Pumunta sa nilalaman

Walt Whitman

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Walt Whitman
Kapanganakan31 Mayo 1819
  • (Suffolk County, New York, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan26 Marso 1892
  • (Camden County, New Jersey, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
TrabahoKarpintero, manunulat, pabliser, manunulat ng sanaysay, impresor, nars, mamamahayag, makatà, nobelista
Asawanone
Pirma

Si Walter Whitman (31 Mayo 1819 – 26 Marso 1892) ay isang Amerikanong manunulat ng sanaysay, mamamahayag, at humanista. Bahagi siya ng panahon ng pagpapalit o transisyon sa pagitan ng transendentalismo at realismo, na nagsasama ng kanyang mga pananaw sa kanyang mga gawa. Isa si Whitman sa pinakamaiimpluhong mga makata sa patakarang Amerikano, na kalimitang tinatawag na ama ng malayang taludturan o malayang berso.[1] Napakakontrobersiyal ng kanyang mga gawa noong kanyang kapanahunan, partikular ang kanyang kalipunan ng mga tulang Leaves of Grass (o "Mga Dahon ng Damo"), na nilarawan bilang bastos dahil sa bulgar na seksuwalidad nito.

Ipinanganak sa Long Island, naghanapbuhay si Whitman bilang isang tagapamahayag, isang guro, isang kleriko ng pamahalaan, at isang nagkusang-loob na nars noong panahon ng Amerikanong Digmaang Sibil, bilang karagdagan sa paglalathala ng kanyang panulaan. Sa kaagahan ng kanyang larangan, isinulat din niya ang nobelang Franklin Evans noong 1842. Unang nalathala ang pangunahing gawa ni Whitman na Leaves of Grass noong 1855 sa pamamagitan ng sarili niyang salapi. Ipinagpatuloy niyang palawakin at baguhin ito hanggang sa kanyang kamatayan noong 1892. Pagkaraan ng isang istrok patungo sa pagtatapos ng kanyang buhay, lumipat siya sa Camden, Bagong Jersey, kung saan lalong lumala ang hindi pagbuti ng kanyang kalusugan. Namatay siya sa edad na 72, at tinanaw ng madla ang kanyang libing.[2][3]

Karaniwang tinatalakay ang seksuwalidad ni Whitman na kasama ng kanyang panulaan. Bagaman patuloy na nagtatalu-talo ang mga manunulat ng talambuhay hinggil sa kanyang seksuwalidad, karaniwan siyang itinuturing bilang homoseksuwal o biseksuwal.[4] Hindi malinaw kung nagkaroon ng mga ugnayang seksuwal si Whitman sa mga kalalakihan.[5] Nagbigay pansin si Whitman sa politika habang nabubuhay. Sinuportahan niya ang Wilmot Proviso at kinalaban ang malawakang pagdurugtong sa panahon ng pang-aalipin. Nagpakita ang kanyang mga tula ng isang egalitaryong pananaw ng mga lahi o lipi, at sa isang pagkakataon o punto tumawag siya ng pagtatanggal o abolisyon ng pagkakaroon ng mga alipin, ngunit pagdaka ay nakita niyang isang panganib para sa demokrasya ang kilusang abolisyonista.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Reynolds, 314
  2. Loving, 480
  3. Reynolds, 589
  4. Buckham, Luke. "Walt Whitman's Vision of Liberty Naka-arkibo 2008-12-06 sa Wayback Machine.", Keene Free Press. 11 Oktubre 2006.
  5. Loving, 19
  6. "The Walt WHitman Encyclopedia".