Pumunta sa nilalaman

Sokushinbutsu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sokoshinbutsu)

Ang mga Sokushinbutsu () ang mga monghe o saserdoteng Budista na nagsanhi ng kanilang mga kamatayan sa isang paraan na nagresulta sa kanilang mummipikasyon. Ang pagsasanay na ito ay iniulat na nangyaring halos eksklusibo sa hilagaang Hapon sa palibot ng Prepekturang Yamagata. Pinaniniwalaang maraming mga daang daang monghe ay sumubok sa kasanayang ito ngunit tanging 24 mga mummipikasyon ang natuklasan hanggang sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, ang pagsasanay ay hindi itinataguyod o sinasanay ng anumang sekta ng Budismo at sa katunayan ay ipinagbawal sa Hapon.

Sa loob ng 1,000 araw, ang mga saserdoteng Budista ay kakain lamang ng isang espesyal na diyeta na binubuo lamang ng mga mani at buto habang lumalahok sa isang rehimen ng rigorosong gawaing pisikal na nag-aalis sa kanilang katawan ng taba. Pagkatapos ay kumakain lamang sila ng bark at mga ugat sa isa pang 1,000 araw at nagsisimulang uminom ng isang nakalalasong tsaa mula sa katas ng isang punong Urushi na karaniwang ginagamit sa mga mangkok na laquer. Ito ay nagsasanhi ng pagsusuka at isang mabilis na pagkawala ng mga pluido sa katawan at ang pinakamahalaga ay gumagawa ito sa katawan na labis na nakalalason upang kainin ng mga maggot. Sa huli, ang nagmumipikasyon sa sariling monghe ay nagsasara ng kanyang sarili sa isang libingang bato na bahagyang mas malaki sa kanyang katawan kung saan ay hindi siya makagagalaw mula sa posisyong lotus. Ang kanyang tanging ugnayan sa labas ng libingan ay isang tubo ng hangin at isang kampana. Sa bawat araw, siya kanyang pinaiingay ang kampana upang ipaalam sa mga nasa labas na siya ay buhay pa rin. Kapag huminto na ang pag-iingay ng kampana, ang tubo ay inaalis at ang libingan ay sinasara. Pagkatapos isara ang libingan, ang ibang mga mongheng Budista ng templo ay maghihintay ng isa pang 1,000 araw at bubuksan ang libingan upang makita kung ang mummipikasyon ay naging matagumpay. Kung ito ay naging matagumpay, ang bangkay ay agad na nakikita bilang isang Buddha at inilalagay sa templo para makita. Sa karaniwan, ang bangkay ay nabubulok. Bagaman ang mga nabulok na bangkay ay hindi nakikitang tunay na Buddha kung hindi naging mummy, ang mga ito ay hinahangaan pa rin at pinapipitaganan dahil sa kanilang dedikasyon at espirito.

Mga karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Hori, Ichiro (1962). "Self-Mummified Buddhas in Japan. An Aspect of the Shugen-Dô ("Mountain Asceticism") Sect". History of Religions. 1 (2): 222–242. doi:10.1086/462445. ISSN 0018-2710. JSTOR 1062053. Nakuha noong 2007-06-28.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Hijikata, M. (1996). Nihon no Miira Butsu wo Tazunete. [Visiting Japanese Buddhist Mummies]. Tokyo: Shinbunsha.
  • Hori, I. (1962). Self-mummified Buddhas in Japan: An aspect of Shugendō (mountain asceticism) sect. History of Religions, 1(2), 222-242.
  • Jeremiah, K. (2010). Living Buddhas: The Self-Mummified Monks of Yamagata, Japan. North Carolina: McFarland Publishing Company.
  • Jeremiah, K. (2009). Corpses: Tales from the crypt. Kansai Time Out, 387, 8-10.
  • Jeremiah, K. (2007). Asceticism and the Pursuit of Death by Warriors and Monks. Journal of Asian Martial Arts, 16(2), 18-33.
  • Matsumoto, A. (2002). Nihon no Miira Butsu. [Japanese Buddhist Mummies]. Tokyo: Rokkō Shuppan.
  • Raveri, M. (1992). Il corpo e il paradiso: Le tentazioni estreme dell’ascesi. [The Body and Paradise: Extreme Practices of Ascetics]. Venice, Italy: Saggi Marsilio Editori.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]