Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Ukranya
Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Ukranya | |
---|---|
1919–1991 | |
Salawikain: Пролетарі всіх країн, єднайтеся! Proletari vsikh krain, yednaitesia! "Mga proletaryo ng lahat ng bansa, magkaisa!" | |
Awitin: Державний гімн Української РСР Derzhavnyy himn Ukrayinsʹkoyi RSR "Himnong Estatal ng SSR ng Ukranya" | |
Katayuan | 1919–1922: Estadong satelite ng SPSR ng Rusya 1922–1991: Republikang kasapi ng Unyong Sobyetiko |
Kabisera | Kharkov (1919–1934) Kyiv (1934–1991) 50°27′00″N 30°31′24″E / 50.45000°N 30.52333°E |
Pinakamalaking lungsod | Kiev 50°27′00″N 30°31′24″E / 50.45000°N 30.52333°E |
Wikang opisyal | Ukranyo • Ruso |
Katawagan | Ukranyo • Sobyetiko |
Pamahalaan | Unitaryong Marxista–Leninistang unipartidistang sosyalistang republika 1990–1991: Republikang parlamentaryo |
First Secretary | |
• 1918–1919 (first) | Emanuel Kviring |
• 1990 (last)[1] | Stanislav Hurenko |
Head of state | |
• 1919–1938 (first) | Grigory Petrovsky |
• 1990–1991 (last) | Leonid Kravchuk |
Head of government | |
• 1918–1919 (first) | Georgy Pyatakov |
• 1988–1991 (last) | Vitold Fokin |
Lehislatura | Congress of Soviets (1919–1938) Supreme Soviet (1938–1991) |
Kasaysayan | |
• Declaration of the Ukrainian Socialist Soviet Republic | 10 March 1919 |
30 December 1922 | |
• Annexation territories from Poland | 15 November 1939 |
• Annexation territories from Romania | 2 August 1940 |
24 October 1945 | |
• Got Crimea from Russian SFSR | 19 February 1954 |
• Priority of Ukrainian laws declared, partial abolition of the Soviet form of government | 16 July 1990 |
• Declaration of independence, Ukrainian SSR renamed to Ukraine | 24 August 1991 |
1 December 1991 | |
10 December 1991 | |
• Dissolution of the Soviet Union (Ukraine's independence formally recognized) | 26 December 1991 |
• Full abolition of the Soviet form of government | 28 June 1996 |
Lawak | |
• Kabuuan | 603,700 km2 (233,100 mi kuw) |
Populasyon | |
51,706,746 | |
TKP (1990) | 0.725 mataas |
Salapi | Soviet ruble (руб) (SUR) |
Kodigong pantelepono | 7 03/04/05/06 |
Internet TLD | .su |
|
Ang Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Ukranya, dinadaglat na SSR ng Ukranya (Ukranyo: Українська РСР; Ruso: Украинская ССР), at payak na kinikilala bilang Sobyetikong Ukranya (Ukranyo: Радянська Україна; Ruso: Советская Украина), ay estadong komunista at republikang kasapi ng Unyong Sobyetiko na umiral sa Silangang Europa mula 1919 hanggang 1991. Pinaligiran ito ng Biyelorusya sa hilaga, Rusya sa silanga't hilagang-silangan, Polonya, Tsekoslobakya, at Hungriya sa kanluran, Rumanya at Moldabya sa timog-kanluran, Dagat Itim sa timog, at Dagat ng Azov sa timog-silangan. Sumaklaw ito ng lawak na 603,700 km2 at tinahanan ng mahigit 51.7 milyong mamamayan. Ang kabisera ang pinakamalaking lungsod nito ay Kyiv, dating Kharkov sa pagitan ng 1919 at 1934.
Itinatag ang mga unang iterasyon ng Sobyetikong Ukranya matapos ang Himagsikang Oktubre, kung saan ibinagsak ng grupong Bolshebista ni Vladimir Lenin ang Pamahalaang Probisyonal ng Rusya. Sa pagsiklab ng Digmaang Pangkasarinlan sa Ukranya, kinalaban ng Hukbong Pula at nailikha ang Ukranyong Republikang Bayan ng mga Sobyetiko noong Disyembre 1917; pinalitan ito ng Republikang Sobyetiko ng Ukranya sa sumunod na taon. Nagtagumpay ng sa Digmaang Sibil ng Rusya, at nagkaisa ang Ukranya kasama ang Rusya, Biyelorusya, at Transkaukasya upang mabuo ang USSR. Yumabong ang kulturang Ukranyo sa bansa bilang bahagi ng polisiyang Korenisasyon, ngunit binaligtad ang proseso noong panahon ni Iosif Stalin, na nilayong isuway ang nasyonalismong burges. Humudyat ang mabilisang industriyalisasyon at sapilitang kolektibisasyon sa malawakang taggutom na binansagang Holodomor.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Himagsikang Oktubre at Pagkatatag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panahong Stalinista at Entregera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ikalawang Digmaang Pandaigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamumunong Khrushchev at Brezhnev
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ On 24 October 1990, article 6 on the monopoly of the Communist Party of Ukraine on power was excluded from the Constitution of the Ukrainian SSR