Richard Feynman
Si Richard Phillips Feynman ( /ˈfaɪnmən/; 11 Mayo 1918 – 15 Pebrero 1988)[2] ay isang Amerikanong pisiko na kilala sa kanyang pormulasyong landas integral ng mekanikang quantum, na teoriya ng quantum elektrodinamika at sa pisika ng superpluidad ng mga sobrang-pinalamaig(supercooled) na likidong helium gayundin sa partikulong pisika kung saan kanyang minungkahi ang parton na modelo. Para sa kanyang mga ambag sa pagpapaunlad ng quantum na elektrodinamika, si Feynman kasama nina Julian Schwinger at Sin-Itiro Tomonaga ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1965. Siya ay bumuo ng malawak na ginagamit na larawang representasyong skema para sa mga matematikal na ekspersyong nangangasiwa sa pag-aasal ng mga subatomikong partikulo na kalaunan ay nakillang diagramang Feynman. Sa kanyang buong buhay, si Feynman ay naging isa sa pinaka-kilalang mga siyentipiko sa buong mundo. Sa isang poll ng British journal Physics World noong 1999 ng mga 130 nangungunang siyentipiko sa buong mundo, siya ay nirangguhang isa sa sampung pinakadakilang mga siyentipiko sa lahat ng panahon.[3]
Siya ay tumulong sa pagbuo ng bombang atomiko at isang kasapi ng lupon na umusisa ng disaster ng Space Shuttle Challenger. Sa karagdagan sa kanyang mga ginawa sa teoretikal na pisika, si Feynman ay binigyan rin ng kredito sa pangunguna sa larangan ng pagkukwentang quantum,[4][5] at pagpapakilala ng konsepto ng nanoteknolohiya.[6] Kanyang hinawakan ang pagkapropesor na Richard Chace Tolman sa teoretikal na pisika sa California Institute of Technology.
Si Feynman ay isang masigasig na tagapagpakilala ng pisika sa pamamagitan ng parehong mga aklat at mga pagtuturo na ang kilala ang pagsasalita noong 1959 tungkol sa taas-babang nanoteknolohiyang tinatawag na May saganang kwarto sa Ilalim(There's Plenty of Room at the Bottom) at Mga Pagtuturong Feynman sa Pisika(The Feynman Lectures on Physics). Si Feynman ay naging kilala rin sa pamamagitan ng kanyang semi-autobiograpikal na mga aklat na Surely You're Joking, Mr. Feynman! at What Do You Care What Other People Think? at mga aklat na sinulat sa kanya gaya ng Tuva or Bust!.
Siya ay may malalim ring interes sa biolohiya at kaibigan ng henetiko at mikrobiologong si Esther Lederberg na bumuo ng pagpaplatong replika at nakatuklas ng bacteriophage lambda.[7]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Richard Phillips Feynman". Mathematics Genealogy Project (North Dakota State University). Nakuha noong 2010-03-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mehra, J. (2002). "Richard Phillips Feynman. 11 May 1918 - 15 February 1988". Biographical Memoirs of Fellows of the Royal Society. 48 (0): 97–128. doi:10.1098/rsbm.2002.0007. ISSN 0080-4606.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Physics World poll names Richard Feynman one of 10 greatest physicists of all time". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-21. Nakuha noong 2012-02-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ West, Jacob (2003-06). "The Quantum Computer" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-03-15. Nakuha noong 2009-09-20.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Quantum computation. David Deutsch, Physics World, 1/6/92
- ↑ Edwards 2006, pp. 15–17 .
- ↑ "Esther M. Zimmer Lederberg Memorial Web Site". This website includes several photos of Feynman alone and with Esther Lederberg.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Articles with BNC identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with Google Scholar identifiers
- Articles with MATHSN identifiers
- Articles with MGP identifiers
- Articles with Scopus identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Ipinanganak noong 1918
- Namatay noong 1988
- Mga Amerikanong Hudyo
- Mga pisiko mula sa Estados Unidos
- Mga Nobel laureate sa pisika
- Mga ateista