Dali (haba)
Mga yunit na SI | |
0.0254 m | 25.4 mm |
Kostumaryong mga yunit ng Estados Unidos/mga yunit na Imperyal | |
1/36 yd | 1/12 ft |
Ang dali, pulhada o pulgada (Ingles: inch kapag isahan, inches kapag maramihan; daglat o sagisag: in o ″ – isang dobleng primo o double prime) ay ang pangalan ng isang yunit ng haba sa isang bilang ng iba't ibang mga sistema, kasama na ang mga yunit na Imperyal, at ang kustomaryong mga yunit ng Nagkakaisang mga Estados. Mayroong 36 mga pulgada sa loob ng isang yarda at 12 mga pulgada sa loob ng isang talampakan. Ang kaukol na mga yunit ng area at bolyum ay ang pulgadang parisukat (square inch) at ang pulgadang kubiko (cubic inch). Nagkakaiba ang nakaugalian o tradisyunal na pamantayan para sa hustong haba ng isang dali o pulgada, subalit inilarawan o binigyan ng kahulugan na sa ngayon bilang hustong 25.4 mm.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sukat ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.