Piazza dei Miracoli
Ang Piazza dei Miracoli (Italyano: [ˈPjattsa dei miˈraːkoli]; Tagalog: Plaza ng mga Milagro), pormal na kilala bilang Piazza del Duomo (Tagalog: Plaza ng Katedral), ay isang may pinader na 8.87-ektaryang pook na matatagpuan sa Pisa, Tuscany, Italya, na kinilala bilang isang mahalagang sentro ng Europeong medyebal na sining at isa sa pinakamahusay na complex ng arkitektura sa mundo.[1] Itinuturing na sagrado ng Simbahang Katolika, ang nagmamay-ari nito, ang plaza ay pinangungunahan ng apat na mahuhusay na edipisyo ng relihiyon: ang Katedral ng Pisa, ang Bautisteryo ng Pisa, ang Campanile, at ang Camposanto Monumentale (Monumental na Sementeryo). Bahagyang aspaltado at bahagyang may damo, ang Piazza dei Miracoli ay ang lugar din ng Ospedale Nuovo di Santo Spirito (Bagong Ospital ng Banal na Espiritu), kung saan naroon ang Museo Sinopia (Italyano: Museo delle Sinopie) at ang Museo ng Katedral (Italyano: Museo dell'Opera del Duomo).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tobino, Mario (1982). Pisa la Piazza dei Miracoli. De Agostini.
- ↑ 82).