Pelikulang pakikipagsapalaran
Ang mga pelikulang pakikipagsapalaran o abentura ay isang genre o uri ng pelikula kung saan ang kuwento ay nagaganap sa iba't ibang lugar at tumatalakay sa mga tao o lunan ukol sa angkop na pagkakarehistro ng nangyari sa kuwento ng pelikula. Maaring may halo din ang mga pelikulang pakikipagsapalaran ng ibang uri tulad ng aksyon, animasyon, komedya, drama, pantasya, kathang-isip na pang-agham, pamilya, katatakutan, o digmaan.[1]
Pangkalahatang ideya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gumaganap ang tagpuan sa isang mahalagang pagganap sa isang pelikulang pakikipagsapalaran, na minsa'y gumaganap din na isang karakter sa kuwento. Tipikal ang tagpuan sa isang malayong mga lupain, tulad ng nawawalang lupalop o ibang kakaibang lugar. Maari din na ang tagpuan ay nasa isang partikular na panahon at maaring kabilang ang inangkop na kuwentong makasaysayan o kathang-isip na pakikipagsapalaran ng isang bayani sa loob ng kontekstong makasaysayan. Kabilang sa hinaharap ng mga pangunahing karakter sa mga ganitong pakikibaka at situwasyon ang mga bagay tulad ng labanan, pandarambong sa dagat, rebelyon, at paglikha ng mga imperyo at kaharian.[2]
Isang karaniwang tema ng mga pelikulang pakikipagsapalaran ang pag-alis ng karakter sa kanilang tirahan o lugar na kumportable sila at aalis upang tuparin ang isang layunin, na sinusumulan ang mga paglalakbay, paghahanap, paghahanap ng kayamanan, magiting paglalakbay; at paggalugad o paghahanap para sa hindi nalalaman. Kabilang sa mga subgenre ng mga pelikulang pakikipagasapalaran ang pelikulang swashbuckler, pelikulang pirata, at pelikulang pangkaligtasan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong unang mga araw ng mga pelikulang pakikipagsapalaran, karaniwang lalaki ang bida. Matapang ang mga karakter na ito, na kadalasang nakikita bilang mga bayani na lumalaban sa panlulupig at pagharap sa mga maninili o pinunong malupit. Sa kalaunan, naitampok na rin ang mga babaeng bayani sa mga pelikulang pakikipagsapalaran, tulad ni Lara Croft, bilang bida.[2]
Pelikulang pakikipagsapalaran
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilan sa mga pelikulang pakikipagsapalaran na mula sa Pilipinas ang mga sumusunod:
- Magia Blanca (1955)
- The Adventures of Leon at Kuting nina Gabby Concepcion at Manilyn Reynes
- T.G.I.S. The Movie
- Magic Kombat
- Mulawin the Movie
- Somewhere Over the Rainbow ni Nora Aunor
- Pilyang Engkantada ni Winnie Santos
- Ang Hiwaga ni Maria Cinderella
Ilan sa mga pelikulang pakikipagsapalaran na mula sa Estados Unidos ang mga sumusunod:
- Jason and the Argonauts
- The Seven Voyage of Sinbad
- Clash of the Titans
- The Golden Voyage of Sinbad
- Indiana Jones and the Temple of Doom ni Harrison Ford
- Raiders of the Lost Ark
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Genre-form Guide (Motion Picture and Television Reading Room, Library of Congress)". www.loc.gov (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-09-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Adventure Films". Filmsite.org. Nakuha noong 2017-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)