Pumunta sa nilalaman

Pagsusulit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga mag-aaral sa Indonesia na kumukuha ng pagsusulit

Ang pagsusulit o eksaminasyon

ng pagtataya na naglalayong sukatin ang kaalaman, kasanayan, kakayahan, kalakasan ng katawan, pagkamarapat sa iba pang paksa (halimbawa ay ang pinaniniwalaan) ng nagsusulit. Ang pagsusulit ay maaaring pangasiwaan na pasalita, sa papel, sa kompyuter, o sa isang limitadong lugar na ngangailangan ng pisikal na pagganap ng mga kasanayan ng nagsusulit. Ang mga pagsusulit ay nagkakaiba rin sa estilo, hirap at mga pangangailangan. Halimbawa, sa isang pagsusulit kung saan nakasarado ang aklat, ang nagsusulit kadalasan ay kailangang umasa sa kanyang memorya upang makasagot sa partikular na aytem samantalang sa pagsusulit na nakabukas ang aklat, ang nagsusulit ay maaaring gumamit ng is o marami pang karagdagang kasangkapan katulad ng sangguniang aklat o kalkulador sa pagsagot sa isang aytem. Ito rin ay maaaring pormal o di-pormal na pangasiwaan. Halimbawa ng di-pormal na pagsusulit ay ang pagbabasa ng bata na pinangasiwaan ng kanyang magulang. Halimbawa naman ng pormal na pagsusulit ay ang huling eksaminasyon na pinangasiwaan ng guro sa klase o kaya ang pagsusulit ng I.Q. na pinangasiwaan ng sikologo sa klinika. Ang kadalasang resulta ng pormal na pagsusulit ay naka-grado o test score. Ang grado ay maaaring ipakahulugan na may pagsasalang-alang sa pamantayan o uliran o silang dalawa minsan. Ang pamantayan ay maaaring buuin ng malaya, o sa pamamagitan ng estatdistikang pagsusuri sa malaking bilang ng mga kalahok.

Ang naka-pamantayang pagsusulit ay anumang pagsusulit na pinangangasiwaan at binibigyang grado sa di-nagbabagong paraan upang matiyak ang kakayahang magpagtanggol sa legal na paraan. Ang mga naka-pamantayang pagsusulit ay madalas ginagamit sa edukasyon, sertipikasyong propesyunal, sikolohiya (halimbawa ay MMPI), militar, at iba pang larangan.

Ang di naka-pamantayang pagsusulit ay karaniwang sunud-sunuran sa saklaw at ayos, nagbabago sa kahirapan at kahalagahan. Ang ayos at hirap ng pagsusulit na ito ay hindi gaanong hinahalaw o ginagamit ng ibang tagapagturo o institusyon sapagkat ang mga pagsusulit na ito ay karaniwang binuo ng mga indibiduwal na tagapagturo. Ito rin ay maaaring gamitin sa pag-alam ng antas ng kasanayan ng mga mag-aaral, para udyukin ang mga mag-aaral na mag-aral, at para mabigyan ng tugon ang mga mag-aaral. Sa ilang pagkakataon, maaaring bumuo ang mga guro ng di naka-pamantayang pagsusulit na katulad sa saklaw, ayos, at kahirapan ng naka-pamantayang pagsusulit sa layuning ihanda ang mga mag-aaral sa darating na naka-pamantayang pagsusulit. Sa kahulihan, ang kadalasan at tagpuan kung saan pinangangasiwaan ang mga di naka-pamantayang pagsusulit ay lubhang magkakaiba at karaniwang pinamamahala ng haba ng panahon ng klase. Ang tapagaturo sa klase halimbawa ay nangasiwa lingguhang batayang pagsusulit o kaya nama'y dalawang beses sa semestro. Ang haba ng bawat pagsusulit ay maaaring tumagal lamang ng limang minuto ng buong klase depende sa patakaran ng tagapagturo o institusyon