Pumunta sa nilalaman

Orfeo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Orpheus)
Istatuwa ni Orfeo.

Si Orfeo o Orpheus (Griyego: Ὀρφεύς) ay isang tauhan sa mitolohiyang Griyego. Anak siyang lalaki nina Apollo at Caliope. Siya ang asawa ni Euridice (o Eurydice). Kilala siya sa kanyang kakayanang makapagpaamo ng mababangis na mga hayop sa pamamagitan ng tugtuging nagbubuhat sa kanyang lira.[1]

Habang nakalulan sa Argo na kasama si Jason, pinahinahon at hinikayat ni Orfeo ang mga tauhan sa pamamagitan ng kanyang tugtugin. Nang mamatay ang kanyang asawa dahil sa pagkakakagat ng isang ahas, hinimok niya ang mga diyos ng Hades na pakawalan ito. Sumang-ayon siya sa kasunduang hindi siya lilingon habang papaalis sila ng Hades. Ngunit lumingon siyang pabalik at walang-hanggang naglaho na sa kanya si Euridice.[1]

Orfeo

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Orpheus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik O, pahina 287.

MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.