Pumunta sa nilalaman

Odiongan

Mga koordinado: 12°24′N 122°00′E / 12.4°N 122°E / 12.4; 122
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Odiongan

Bayan ng Odiongan
Mapa ng Romblon na nagpapakita sa lokasyon ng Odiongan.
Mapa ng Romblon na nagpapakita sa lokasyon ng Odiongan.
Map
Odiongan is located in Pilipinas
Odiongan
Odiongan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 12°24′N 122°00′E / 12.4°N 122°E / 12.4; 122
Bansa Pilipinas
LalawiganRomblon
DistritoMag-isang Distrito ng Romblon
Mga barangay25 (alamin)
Pagkatatag1847
Pamahalaan
 • Manghalalal31,538 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan185.67 km2 (71.69 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan49,284
 • Kapal270/km2 (690/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
12,769
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan42.57% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Kodigong Pangsulat
5511
PSGC
175909000
Kodigong pantawag42
Uri ng klimaTropikal na klima
Mga wikawikang Bantuanon
Wikang Onhan
Wikang Ati
wikang Tagalog

Ang Odiongan ay isang unang klaseng bayan sa probinsya ng Romblon sa Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 49,284 sa may 12,769 na kabahayan. Ito ang pinakamaunlad na bayan sa buong probinsya at nagsisilbing daungan ng komersyalismo sa lalawigan.

Naunang kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa isang alamat, ang mga naunang nanirahan dito ay nakakita ng isang "odiong" (lokal na salita para sa "palaso") na nakaturok sa isang puno; kaya, ang lugar ay napangalanang Inodiongan, ibig sabihin "tinamaan ng palaso", na nabago naman at naging Odiongan.[3]

Sa kasaysayan, ang Odiongan, gaya ng halos buo ng isla ng Tablas, ay unang tinirahan ng mga mandarayuhang Negrito galing sa isla ng Panay at tribo ng Mangyan na galing naman sa Mindoro Island. Ito ay sinundan nang panandalian ng mga dayuhang nagsasalita ng Onhan mula sa Panay. Nang mga taong 1810, isang grupo ng mga taong nagsasalita ng linggwaheng Asi ay nanirahan sa pook na iyon upang maghanap ng lugar na mas angkop sa agrikultura. Ngunit, ang kolonya na ginawa ng mga Simaranhon, Sibalenhon, at Bantoanon ay niloob at winasak ng mga piratangMuslim. Noong 1840, isa na namang pagtatangka ang ginawa ng ibang grupo ng mga Simaranhon, Bantoanon, at Sibalenhon; at sa pagkakataong ito, gumawa sila ng kuta o "cota" na prumotekta sa kolonya laban sa atake ng mga pirata at mga natural na kalamidad. Noong 1855, ang kolonya ay opisyal na itinalaga ng mga Kastilang may kapangyarihan na "pueblo" o bayan. Nang sumiklab ang Rebolusyon noong 1896, ang bayan ay sumali sa ipinaglalaban ng mga rebolusyonaryo sa pamumuno ng nagngangalang Tomas Fiedacan.

Ang Odiongan ay nahahati sa 25 barangay.[4]

  • Amatong
  • Anahao
  • Bangon
  • Batiano
  • Budiong
  • Canduyong
  • Dapawan (Pob)
  • Gabawan
  • Libertad
  • Ligaya (Pob.)
  • Liwanag (Pob.)
  • Liwayway (Pob.)
  • Malilico
  • Mayha
  • Panique
  • Pato-o
  • Poctoy
  • Progreso Este
  • Progreso Weste
  • Rizal
  • Tabing Dagat (Pob.)
  • Tabobo-an
  • Tuburan
  • Tumingad
  • Tulay
Senso ng populasyon ng
Odiongan
TaonPop.±% p.a.
1903 8,323—    
1918 13,366+3.21%
1939 16,628+1.05%
1948 18,401+1.13%
1960 22,859+1.82%
1970 28,501+2.23%
1975 30,198+1.17%
1980 27,188−2.08%
1990 32,498+1.80%
1995 35,527+1.68%
2000 39,069+2.06%
2007 42,062+1.02%
2010 43,676+1.38%
2015 45,367+0.73%
2020 49,284+1.64%
Sanggunian: PSA[5][6][7][8]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Romblon". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Profile: Odiongan Romblon Travel Guide. Retrieved on 2012-04-16
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang nscb); $2
  5. Census of Population (2015). "Region IV-B (Mimaropa)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-B (Mimaropa)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-B (Mimaropa)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  8. "Province of Romblon". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.