Pumunta sa nilalaman

Pangulo ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga Pangulo ng Pilipinas)
Pangulo ng Pilipinas
Incumbent
Ferdinand Romualdez Marcos, Jr.

mula Hunyo 30, 2022
Pamahalaan ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
Istilo
  • Ginoo/Ginang/Binibining Pangulo
    (impormal)
  • Kagalang-galang
  • Kanyang Kamahalan[1]
    (pormal, diplomatiko)
KatayuanPuno ng estado
Puno ng pamahalaan
Commander-in-Chief (lit. Punong Kumander)
Kasapi ngGabinete
Sanggunian sa Pambansang Seguridad
TirahanPalasyo ng Malacañang
LuklukanMaynila
NagtalagaDirektang popular na boto
Haba ng terminoAnim na taon, hindi na maaring ipahaba pa
Instrumentong nagtatagSaligang Batas ng Pilipinas ng 1987
HinalinhanGobernador-Heneral
Punong Ministro[a]
NagpasimulaEmilio Aguinaldo
NabuoEnero 23, 1899
(opisyal)[2]
Nobyembre 15, 1935
(opisyal)[3]
Unang humawakEmilio Aguinaldo
(opisyal)
Manuel L. Quezon
(opisyal)
Sahod365,261 kada buwan[b][4][5][6]
Websaytpresident.gov.ph
op-proper.gov.ph

Ang pangulo ng Pilipinas (impormal na tinatawag din bilang presidente ng Pilipinas) ay ang puno ng estado at ang puno ng pamahalaan ng Pilipinas. Pinamumunuan ng pangulo ang sangay ng tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas at siya rin ang commander-in-chief (literal: punong-kumander) ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Direktang binoboto ng mga tao ang pangulo, at isa ito sa dalawang opisyal na tagapagpaganap na hinahalal ng buong bansa, at ang pangalawang pangulo ng Pilipinas ang isa pa. Bagaman, may apat na naging pangulo ang hindi nahalal at naupo dahil namatay, nagbitiw o pwersahang pinagbitiw ang nakaupong pangulo.[c]

Limitado ang pangulo sa isang termino na tatagal lamang hanggang anim na taon. Walang sinuman na nagsilbi ng higit sa apat na taon ng isang isang pampangulong termino ang pinapahintulutang tumakbo o magsilbi uli. Nagkaroon na ang Pilipinas ng labing-anim na mga pangulo. Sa kabila ng pagkakaiba sa saligang-batas at ng pamahalaan, itinuturing na walang hinto ang pagkasunod-sunod ng mga pangulo. Noong Hunyo 30, 2016, nanumpa si Rodrigo Duterte bilang ang kasalukuyan at ika-16 na pangulo.

Habang kinikilala ng Pilipinas si Aguinaldo bilang unang pangulo, hindi siya kinilala ng ibang bansa dahil bumagsak ang Unang Republika sa ilalim ng Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Manuel L. Quezon ang kinilala bilang unang pangulo (at ang una na nanalo sa halalan, hinirang lamang si Aguinaldo) ng Estados Unidos at pandaigdig na kapisanang pangdiplomasya at pampulitika.

Nagkaroon ng dalawang pangulo ang Pilipinas sa isang punto sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumakatawan sa dalawang pamahalaan. Isa ay kay Quezon na kumakatawan sa pamahalaang komonwelt at ang isa ay kay Jose Laurel na kumakatawan sa pamahalaang itinaguyod ng mga Hapones.

Rodrigo DuterteBenigno Aquino IIIGloria Macapagal ArroyoJoseph EstradaFidel RamosCorazon AquinoFerdinand MarcosDiosdado MacapagalCarlos P. GarciaRamon MagsaysayElpidio QuirinoManuel RoxasSergio OsmeñaJose P. LaurelManuel L. QuezonEmilio Aguinaldo

Lokal na pagpapangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Filipino, isa sa dalawang opisyal na wika sa Pilipinas, tinatawag ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno ng Pilipinas bilang "pangulo." Sa ibang pangunahing mga wika sa Pilipinas tulad ng mga wikang Bisaya, "presidente" (na hango sa Kastila) ang karaniwang ginagamit gayon din sa mga Pilipino na nagpalit ng wika mula sa Ingles. President ang Ingles ng pangulo.

Mga naunang republika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Republikang Tagalog ni Bonifacio

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Depende sa depenisyong napili para sa katawagang pangulo, ilang mga indibiduwal ang maaring alternatibong maituturing na nagsimulang humawak sa puwesto ng pagkapangulo. Maaaring ituring si Andrés Bonifacio bilang ang unang pangulo ng pinagkaisang Pilipinas, yayamang, habang siya ang ikatlong Kataas-taasang Supremo (Kastila: Presidente Supremo) ng Katipunan, isang lihim na samahang rebolusyonaryo na nagsimula sa hayag na pag-aalsa laban pamahalaang kolonya ng mga Kastila noong Agosto 1896, binago niya ang lipunan sa isang pamahalaang rebolusyonaryo na ginawa ang sarili bilang "Pangulo ng Haring Bayan".[7] Habang nanatili ang katawagang Katipunan (at ang titulong Presidente Supremo), nakilala din ang pamahalaan ni Bonifacio bilang "Republika ng Katagalugan" (Kastila: República Tagala), at nilikha niya ang katawagang "haring bayan" o "haringbayan" bilang isang adapsyon at singkahulugan ng "republika." mula sa pinagmulan nito sa Latin na res publica. Bagaman tinutukoy ng salitang "Tagalog" ang mga Tagalog, isang partikular na pangkat etno-linggwistiko, ginamit ito ni Bonifacio upang ipahawatig na ito ang lahat ng di-Kastila sa Pilipinas kapalit ng katawagang Pilipino na mayroong kolonyal na pinagmulan, na tinutukoy ang kanyang konsepto ng bansa at mamamayang Pilipino bilang "Nagsasariling Bansa/Mamamayang Tagalog" o mas tumpak "Nagsasariling Bansa ng mga Tagalog" o "Haring Bayang Katagalugan", na nagresulta bilang kasingkahulugan "Republikang Tagalog" o mas tumpak bilang "Republika ng Bansang/Mamamayang Tagalog."[8][9][10][11][12]

May ilang mga mananalaysay o dalubhasa sa kasaysayan ang nagsasabing kapag isasama si Bonifacio bilang isang nakaraang pangulo, ipinapahiwatig ito na dapat din na isama sina Macario Sakay at Miguel Malvar, dahil ipinagpatuloy ni Sakay ang konsepto ni Bonifacio na isang pambansang Republikang Tagalog, at ipinagpatuloy ni Malvar ang Republika ng Pilipinas na kasukdulan ng ilang mga pamahalaan na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo na pumalit kay Bonifacio. Humalili si Malvar pagkatapos mahuli si Aguinaldo.[13]

Ang mga pamahalaan ni Aguinaldo at ang Unang Republika

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Emilio Aguinaldo at sampu sa mga delegado ng Kongreso ng Malolos na pinasa ang Constitución Política de la República Filipina noong 1899

Noong Marso 1897, noong panahon ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya, nahalal si Emilio Aguinaldo bilang bagong pangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan sa Kapulungan sa Tejeros sa Tejeros, Cavite.[14] Inilaan ang bagong pamahalaan upang palitan ang Katipunan, bagaman, hindi pormal nabuwag ang Katipunan hanggang noong 1899. Tinatawag nito ang sarili sa iba't ibang pangalan at ang mga ito ay "Republika Pilipinas" (Kastila: Republica Filipina), "Republika ng Pilipinas" (Kastila: Republica de Filipinas) at "Pamahalaan ng Lahat ng mga Tagalog" o "Pamahalaan ng Sangkatagalugan."

Pagkalipas ng mga buwan, nahalal uli si Aguinaldo bilang pangulo sa Biak-na-Bato, Bulacan noong Nobyembre, na nagdulot sa muling pag-organisa ng Republica de Filipinas, karaniwang tinatawag ngayon bilang Republika ng Biak-na-Bato. Kaya, pinirmahan ni Aguinaldo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato at nagpatapon sa Hong Kong noong katapusan ng 1897.

Noong Abril 1898, sumiklab ang Digmaang Kastila-Amerikano, at naglayag sa Pilipinas ang Asyatikong Ekuwadron ng Hukbong-dagat ng Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898, mapagpasyang tinalo ng Amerikanong Hukbong-dagat ang Kastilang Hukbong-dagat.[15] Sa dakong huli, bumalik si Aquinaldo sa Pilipinas sakay ng isang saksakyang-pandagat ng Amerikanong Hukbong-dagat at pinanumbalik ang rebolusyon. Binuo niya ang diktaduryang pamahalaan noong Mayo 24, 1898, at ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Sa maikling panahon na ito, kinuha niya ang titulong "Diktador" at tumutukoy ang Deklarasyon ng Kalayaan sa kanya.

Noong Hunyo 23, 1898, binago ni Aguinaldo ang kanyang diktaduryang pamahalaan sa isang rebolusyonaryong pamahalaan at naging "Pangulo" muli.[16][17] Noong Enero 23, 1899, nahalal si Aguinaldo bilang Pangulo ng Republica Filipina, isang bagong pamahalaan na nabuo sa pamamagitan ng isang rebolusyonaryong Kongreso sa ilalim ng katulad na rebolusyonaryong Saligang Batas. Dahil dito, tinuturing ang gobyernong ito ngayon bilang ang nararapat na Unang Republika at tinatawag din bilang Republika ng Malolos, na ipinangalan sa kabisera ng Bulacan, ang Malolos; karaniwang tinatawag din ang Kongreso ("Pambansang Kapulungan" sa pormal) at Konstitusyon nito bilang Kongreso ng Malolos at Konstitusyon ng Malolos.

Tulad ng lahat ng mga hinalinhan at mga hahali dito hanggang sa Komonwelt ng Pilipinas noong 1935, hindi tumagal ang Unang Repulika ng Pilipinas at hindi kailanmang kinilala sa internasyunal na larangan, at hindi kailanman nakontrol at/o pangkalahatang kinilala sa buong lugar na sinakop ng kasalukuyang Republika, bagaman, sinasabi ng mga nagtatag nito na kinakatawan at pinamamahalaan nito ang buong kapuluan ng Pilipinas at ang mamamayan nito. Nailipat ang pamamahala ng Pilipinas mula sa mga Kastila tungo sa mga Amerikano sa pamamagitan ng Kasunduan ng Paris noong 1898, na pinirmahan noong Disyembre ng taon na yaon.[18] Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano sa pagitan ng Estados Unidos at ang pamahalaan ni Aguinaldo. Epektibong nawala ang kanyang pamahalaan noong Abril 1, 1901, pagkatapos nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos kasunod ng pagkakahuli sa kanya ng mga puwesang Amerikano noong Marso.

Tinuturing ng kasalukuyang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas si Emilio Aguinaldo bilang unang pangulo ng Pilipinas partikular na batay sa kanyang pagkapangulo sa Republika ng Malolos, at hindi sa kahit anumang iba't ibang mga pamahalaan bago dito.[19]

Mga ibang nag-aangkin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos mahuli ni Aguinaldo, ipinagpatuloy ni Miguel Malvar ang pamunuan ni Aguinaldo sa Republica Filipina hanggang nahuli din siya noong 1902, habang binuhay muli ni Macario Sakay ang Republikang Tagalog bilang isang pagpapatuloy ng estado ng Katipunan ni Bonifacio. Pareho silang tinuturing ng ilang iskolar bilang "di-opiyal na mga pangulo," at kasama ni Bonifacio, ay hindi tinuturing bilang mga pangulo ng pamahalaan.[20][21]

Pananakop ng mga Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagitan ng 1898 at 1935, isinagawa ang kapangyarihang tagapagpaganap sa Pilipinas ng sunud-sunod na apat na Amerikanong militar na Gobernador-Heneral at labing-isa na sibil na mga Gobernador-Heneral.

Sa ilalim ng Artikulo VII, Seksiyon 5 ng Saligang Batas, bago makapagsimula ang Pangulo sa pagtupad ng kanyang katungkulan ng kanyang tanggapan, dapat magsagawa ng Pangulo ang sumusunod na panunumpa o pagpapatotoo:

"Ako si __, ay taimtim na nanunumpa (o pinatotohanan) na tutuparin ko nang buong katapatan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang Pangulo (o Pangalawang Pangulo o Nanunungkulang Pangulo) ng Pilipinas, pangangalagaan at ipagtatanggol ang kanyang konstitusyon, ipatutupad ang mga batas nito, magiging makatarungan sa bawat tao, at itatalaga ang aking sarili sa paglilingkod sa Bansa. Kasihan nawa ako ng Diyos."
[Kapag pagpapatotoo, ang huling pangungusap ay kakaltasin.]

  1. Bilang puno ng pamahalaan.
  2. Ipinahiwatig ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala na ang grado ng sahod ng pangulo ay ika-33. Nakasaad sa websayt ng Komisyon ng Halalan na ang ika-33 grado ng sahod ay ₱ 395,858.
  3. Ang apat na pangulo na humalili sa pagkapangulo nang namatay o nagbitiw ang kanilang hinalinhan at tinapos ang natitirang termino ay sina Sergio Osmeña (1944), Elpidio Quirino (1948), Carlos P. Garcia (1957), at Gloria Macapagal Arroyo (2001).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Quezon, Manuel Luis (1939). Talumpating binigkas ng kanyang kamahalan Manuel L. Quezon, pangulo ng sa harap ng mga magbubukid sa Kabanatuan, Nueva Ecija, noong ika-16 ng Hulyo, 1939. Bureau of Printing.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Emilio Aguinaldo". Official Gazette of the Philippine Government (sa wikang Ingles). Marso 22, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 7, 2023. Nakuha noong Agosto 25, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Guevara, Sulpico, pat. (2005). The laws of the first Philippine Republic (the laws of Malolos) 1898–1899 (sa wikang Ingles). Ann Arbor, Michigan: University of Michigan Library (nilathala 1972). Nakuha noong Enero 10, 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Salary Grades of Positions of Constitutional and Other Officials and Their Equivalents.
  5. "1987 Constitution of the Republic of the Philippines". Chan Robles Virtual Law Library. Nakuha noong Enero 7, 2008. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Salary Grade Table". COMELEC (sa wikang Ingles). Government of the Philippines. Enero 1, 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 1, 2020. Nakuha noong Agosto 25, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pedrosa, Carmen N. (2018-12-01). "Was Andres Bonifacio the first Philippine president?". Philstar.com. The Philippine Star. Nakuha noong 2021-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. Borromeo & Borromeo-Buehler 1998, p. 25 (Aytem 3 sa tala, na tinutukoy sa Tanda 41 sa p.61, binabanggit na "This article underscores the existence of a de facto revolutionary government (with Bonifacio as its president) that antedated the revolutionary government in Cavite based upon the controversial Tejeros Convention. An attempt to change the official date of the Cry [see Cry of Pugad Lawin] from 23 to 24 August 1896 during a committee hearing on Senate Bill No. 336, held on 17 August 1993, apparently failed.". Sulyap Kultura. National Commission of Culture and the Arts, Philippines. 1 (2). 1996.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link));
    ^ Borromeo & Borromeo-Buehler 1998, p. 26, "Formation of a revolutionary government";
    ^ Borromeo & Borromeo-Buehler 1998, p. 135 (sa "Document G", Account of Mr. Bricco Brigado Pantos). (lahat sa Ingles)
  9. Halili & Halili 2004, pp. 138–139 (sa Ingles).
  10. Severino, Howie (Nobyembre 27, 2007). "Bonifacio for (first) president" (sa wikang Ingles). GMA News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-03. Nakuha noong 2022-05-12. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-09-03 sa Wayback Machine..
  11. * Guerrero, Milagros; Schumacher, S.J., John (1998). Reform and Revolution. Kasaysayan: The History of the Filipino People (sa wikang Ingles). Bol. 5. Asia Publishing Company Limited. ISBN 962-258-228-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  12. * Guerrero, Milagros; Encarnación, Emmanuel; Villegas, Ramón (1996). "Andrés Bonifacio and the 1896 Revolution". Sulyap Kultura (sa wikang Ingles). National Commission for Culture and the Arts. 1 (2): 3–12. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 2, 2015. Nakuha noong Agosto 2, 2009.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  13. Ambeth Ocampo (Mayo 11, 2010). "Bonifacio, First President of the Philippines?". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Ambeth Ocampo (Mayo 11, 2007). "Looking Back: Election fraud at the Tejeros Convention" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 30, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo June 30, 2010[Date mismatch], sa Wayback Machine..
  15. Regalado, Felix B., and Quintin B. Franco (1973). History of Panay (sa wikang Ingles). Jaro, Iloilo City: Central Philippine University.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  16. Duka, Cecilio D. (2008). Struggle for Freedom' 2008 Ed (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc. p. 167. ISBN 978-971-23-5045-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Saulo, Alfredo B. (1983). Emilio Aguinaldo: Generalissimo and President of the First Philippine Republic--first Republic in Asia (sa wikang Ingles). Phoenix Publishing House. pp. 255, 513. ISBN 978-971-06-0720-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "The U.S. Occupation of the Philippines" (sa wikang Ingles). University of Colorado American Studies. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 16, 2015. Nakuha noong Pebrero 13, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo February 16, 2015[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  19. Tucker, Spencer C. (2009). The encyclopedia of the Spanish-American and Philippine-American wars: a political, social, and military history (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 8. ISBN 978-1-85109-951-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "The Manila Times – Trusted Since 1898" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 11, 2008. Nakuha noong Pebrero 13, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo April 6, 2008[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  21. Flores, Paul (Agosto 12, 1995). "Macario Sakay: Tulisán or Patriot?" (sa wikang Ingles). Philippine History Group of Los Ángeles. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 9, 2007. Nakuha noong Abril 8, 2007. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)