Talaan ng mga sinaunang karagatan
Itsura
(Idinirekta mula sa Karagatang Rheic)
Ito ang talaan ng dating mga karagatan na nawala na dahil sa mga tektonikong paggalaw at ibang mga pagbabagong pang-heograpiya at pang-klima.
Tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Karagatang Ilog Tulay (Ingles: Bridge River Ocean), ang karagatan sa pagitan ng sinaunang Kapuluang Insular (iyan ay, ang Stikinia) at Hilagang Amerika
- Karagatang Sapang Cache (Ingles: Cache Creek Ocean), isang karagatang Paleosoiko sa pagitan ng Superterranong Wrangellia at Terranong Yukon-Tanana
- Karargatang Hapeto (Ingles: Iapetus Ocean), ang karagatan sa Timog Emisperyo sa pagitan ng Baltika at Avaloniya
- Karagatang Kahiltna-Nutotzin, Mesosoiko
- Karagatang Hanty, ang karagatan noong Prekambriko hanggang Siluriko sa pagitan ng Baltika at kontinenteng Siberya
- Karagatang Medicine Hat (o Sumbrerong Medisina)
- Karagatang Mezcalera, ang karagatan sa pagitan ng Terranong Guerrero at Laurentia
- Mirovia, ang karagatan na pinalibutan ng superkontinenteng Rodinia
- Karagatang Mongol-Okhotsk, ang sinaunang karagatang Mesosoiko sa pagitan ng mga kraton ng Hilagang Tsina at Siberya
- Karagatang Oimyakon, ang pinakahilagang bahagi ng Mesosoikomg Karagatang Panthalassa
- Karagatang Paleo-Tetis, ang karagatan sa pagitan ng mga terranong Gondwana at Huniko
- Karagatang Pan-Aprikano, ang karagatan na pinapalibutan ng superkontinenteng Pannotia
- Panthalassa, ang malawak na karagatang mundo na pinapalibutan ng superkontinenteng Pangaea, na tinutukoy din bilang Karagatang Paleo-Pasipiko
- Karagatang Pharusia, Neoproterosoiko
- Karagatang Poseidon, Mesoproterosoiko
- Karagatang Pontus, ang kanlurang bahagi ng sinaunang Mesosoikong Karagatang Panthalassa
- Karagatang Proto-Tetis, Neoproterosoiko
- Karagatang Reiko, ang karagatang Paleosoiko sa pagitan ng Gondwana at Laurussia
- Karagatang Slide Mountain, ang karagatang Mesosoiko sa pagitan ng sinaunang Kapuluang Intermontana (iyan ay, Wrangellia) at Hilagang Amerika
- Karagatang Timog Anuyi, karagatang Mesosoiko na may kaugnayan sa pagbuo ng Karagatang Artiko
- Karagatang Tetis, ang karagatan sa pagitan ng mga sinaunang lupalop na Gondwana at Laurasia
- Karagatang Thalassa, ang silangang bahagi ng sinaunang Mesosoikong Karagatang Panthalassa
- Karagatang Ural, ang karagatang Paleosoiko sa pagitan ng Siberya at Baltika