Kronobiyolohiya
Ang kronobiyolohiya ay isang larangan sa biyolohiya na nagsusuri ng paulit-ulit na mga penomena o kababalaghan sa mga organismong may buhay at ang kanilang pagkasanay o adapsiyon sa mga ritmong may kaugnayan sa araw at sa buwan.[1] Ang mga siklong ito ay nakikilala bilang mga ritmong biyolohiko o ritmong biyolohikal ('ritmong pangbiyolohiya). Ang krono ay tumutukoy sa oras at tumutukoy naman ang biyolohiya sa pag-aaral, o agham, o buhay. Ang mga kaugnay na mga salitang kronomika, kronomiks, at kronoma ay ginagamit sa ilang mga pagkakataon upang ilarawan ang mga mekanismong molekular na kasangkot sa mga penomenang kronobiyolohikal o mas pandaming (kuwantitatibo) mga aspeto ng kronobiyolohiya, partikular na kung saan kailangan ang paghahambing ng mga siklo sa pagitan ng mga organismo. Kabilang sa mga pinag-aaralan sa kronobiyolohiya ang mga sumusunod, ngunit hindi humahangga lamang sa anatomiyang hambingan, pisyolohiya, henetika, biyolohiyang molekular, at ugali ng mga organismong nasa loob ng mga mekaniks ng ritmong biyolohikal.[1] Kabilang sa iba pang mga aspeto ng pag-aaral ang pag-unlad o kaunlaran, reproduksiyon, ekolohiya, at ebolusyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.