Pumunta sa nilalaman

Bleach

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bleach (manga))
Bleach
Burīchi
Cover of Bleach, Volume 1
ブリーチ
DyanraAction, Pantasya
Manga
KuwentoTite Kubo
NaglathalaShueisha
Magasin'Weekly Shonen Jump'
TakboAgosto 2001(ongoing)
Bolyum26, laman ang 233 sa 265 na kabanata
Teleseryeng anime
DirektorNoriyuki Abe
EstudyoStudio Pierrot
Inere saTV Tokyo
Related works

* Bleach, musical hango sa Bleach manga

 Portada ng Anime at Manga

Ang Bleach (ブリーチ, Burīchi Sa Hapones) ay isang manga at anime ni Kubo Taito, mangaka ng Zombie Powder. Ito ay sini-"serialize" sa Japan sa Weekly Shonen Jump.

Sinusundan ng Bleach ang buhay nina Ichigo Kurosaki, isang estudyante sa haiskul na 15-taong gulang at may kakayahang makakita ng mga multo, at isang shinigami (Taga-Ani ng Kaluluwa o, sa literal na salin, "Diyos ng Kamatayan") na nagngangalang Rukia Kuchiki, na nakilala si Ichigo nang minsa'y naghahanap siya nang hollow (isang maligno). Habang nakikipag-laban sa maligno, nasugatan si Rukia nang pinrotektahan niya sa Ichigo, at napilitang bigyan si Ichigo ng kapangyarihan. At doon nagsimula ang paglalakbay nina Ichigo at Rukia, kung saan naghahanap sila ng mga hollow at nagpapadala ng mga aswang papuntang Soul Society. Ang unang mga bahagi ng istorya ay naka-sentro sa mga tauhan at ang kanilang kasaysayan, at hindi sa hanapbuhay mismo ng shinigami. Habang tumatagal, ag istorya ay dumayo naman sa daigdig ng mga "Diyos ng Kamatayan" sa "kabilang dako" na tinatawag na Lipunang Kaluluwa (Soul Society).

Mga Pangunahing Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ichigo Kurosaki (黒崎 一護, Kurosaki Ichigo) Binigyan ng boses ni: Masakazu Morita (Hapones), Marky Cielo (Ingles)
Ang bida ng Bleach, haiskul freshman Ichigo Kurosaki na may kulay-kahel na buhok ay napilitang pumalit bilang shinigami nang hindi sinasadyang nakuha niya ang kapangyarihan ni Rukia Kuchiki bilang shinigami. Ang kanyang pagiging suspitsoso nung simula ay nag-resulta sa masamang ugali sa bago nyang responsibilidad, nguni't sa pag-daan ng panahon ay tinanggap din, at naisip niyang kung hindi niya kayang sagipin ang lahat, maaari niyang gamitin ang kakayahan upang sagipin ang mga taong malapit sa kanya. Nang binawi sa kanya ang kapangyarihan bilang pamalit na shinigami, pinili niyang maging isang ganap na shinigami gamit ang pamamaraang lubos na mapanganib.
Rukia Kuchiki (朽木 ルキア, Kuchiki Rukia) Binigyan ng boses ni: Fumiko Orikasa (Hapones), Yasmien Kurdi (Ingles)
Si Rukia Kuchiki ay isang shinigami na inatasang mag-patrolya laban sa mga hollow sa pamayanan ni Ichigo Kurosaki. Kahit na mukha siyang isang tinedyer, nabubuhay na siya ng iilang siglo. Napilitan si Rukia na ibigay ang kanyang kapangyarihan kay Ichigo at mabuhay bilang isang karaniwang tao. Nagpatala siya sa eskwelahan ni Ichigo at tumitira din sa bodega nito, habang tinuturuan niya si Ichigo bilang kanyang pamalit bilang shinigami.
Orihime Inoue (井上 織姫, Inoue Orihime) Binigyan ng boses ni: Yuki Matsuoka (Hapones), Nicole Anderson (Ingles)
Si Orihime Inoue ay isang ka-klase ni Ichigo, at may kapwa-kaibigan na si Tatsuki Arisawa. Isa siyang ulila, dahil tumakas sila ng kanyang kuya mula sa abusadong pamilya, at namatay din ang kanyang kapatid sa bandang huli. Bagaman walang kapangyarihan sa simula, siya ay dahan-dahang nagkaroon ng spititwal na kaalaman at maya-maya'y nagkaroon ng isa sa pinaka-makapangyarihang abilidad sa panggagamot sa Bleach, sa pamamagitan ng pagbalik ng isang katawan sa nakaraang kalagayan nito gaano man ka lala ng sugat nito.
Yasutora "Chad" Sado (茶渡 泰虎, Sado Yasutora) Binigyan ng boses ni: Hiroki Yasumoto (Hapones), Dion Ignacio (Ingles)
Si Yasutora Sado, o Chad, ay isa sa mga kakaunting kaibigan ni Ichigo sa eskwelahan. Siya ay halong Hapones at Mexicano, at ang pinaka-matangkad sa klase. Sa kabila ng kanyang itsura, siya ay maamo, at hindi nakikipag-laban maliban kung ito'y para sa iba. Sa simula'y hindi siya nakakakita ng multo, nguni't nang inatake ng isang hollow ang isang grupo ng mga bata sa harap niya mismo ay na-diskubre niya ang kanyang kapangyarihan, Ang Kanang Braso ng Higante (The Right Arm of the Giant), na nagbabago ng anyo ng kanyang kanang braso upang malabanan niya ang mga hollow.
Kisuke Urahara (浦原 喜助, Urahara Kisuke) Binigyan ng boses ni: Shinichiro Miki (Hapones), Bon Reyes (Ingles)
Isang misteryoso at maligayang tauhan, si Kisuke Urahara ay nagpapatakbo ng Urahara shop, isang tindahan ng kendi na nagbebenta din ng supernatural na mga kagamitan sa mga shinigami. Isa siya sa mga kilalang tauhan sa Bleach, at may maraming nalalaman tungkol sa spiritwal na mundo na ginagamit niya upang manipulahin ang kilos ng mga bida.
Uryū Ishida (石田 雨竜, Ishida Uryū) Binigyan ng boses ni: Noriaki Sugiyama (Hapones), Rainier Castillo (Ingles)
Sa unang tingin, siya ay isang mapag-isang henyo sa klase, nguni't si Uryū Ishida ay isang Quincy, mga mamamanang nangangaso ng mga hollow. May dala siyang sama ng loob laban sa lahat ng shinigami, kasama na rin si Ichigo Kurosaki, nguni't nabago ang persepsiyon kay Ichigo nang nakitang iba ito sa mga shinigami, at sa huli'y naging kakampi nito.
Renji Abarai (阿散井 恋次, Abarai Renji) Binigyan ng boses ni: Kentaro Ito (Hapones), Vincent Gutierrez (Ingles)
Si Renji Abarai ay isang tampok shinigami na lieutenant ng ika-6 na Pangkat, at sa gayon ay ang "second in command" ng naturang dibisyon ng mga shinigami. Nang nagsimula'y isang mapanganib na kaaway, nguni't hati siya sa kanyang propesyon at pagkakaibigan kay Rukia. Mayroon siyang respeto sa kanyang kapitan na si Byakuya Kuchiki.

Uri ng Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Humans
  • Plus
  • Shinigami
  • Hollow
  • Artificial Soul
  • Quincy
  • Bount
  • Arrancar
  • Vaizard

Mga Gumanap Sa Wikang Filipino at Bisaya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pamilyang Kurosaki:

Karakura High School:

Tindahang Urahara:

Quincy:

Modified soul:

Filipino and Visayan Dub Staff

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Filipino and Visayan Dubbers

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ichigo Kurasaki: Marky Cielo
  • Rukia Kuchiki: Yasmien Kurdi

Mga Pambukas na Awit

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]