Andreas Vesalius
Andreas Vesalius | |
---|---|
Kapanganakan | 31 Disyembre 1514 (Huliyano)
|
Kamatayan | 16 Oktubre 1564 (Huliyano)
|
Nagtapos | Unibersidad ng Padua |
Trabaho | anatomista, biyologo, manggagamot, siruhano, propesor ng unibersidad, manunulat |
Si Andreas Vesalius (Brussels, 31 Disyembre 1514 – Zante, 15 Oktubre 1564) ay isang Plamengko o Planderong manggagamot, anatomo, at may-akda ng isa sa pinakamaimpluhong mga aklat ukol sa anatomiya ng tao, ang De humani corporis fabrica (binabaybay ding De Corporis Humana Fabrica[1], na may ibig sabihing "Hinggil sa Kayarian ng Katawang Pantao"). Karaniwan siyang itinuturing bilang ang Tagapagtatag ng Makabagong Anatomiya ng Tao, dahil sa pagkakagawa niya ng tumpak na mga pag-aaral kaugnay ng anatomiyang pantao. Dahil dito, tinagurian din siya bilang unang dakilang sinaunang anatomista.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bobo nyu bat kayu nag search mga gagu
Bilang anatomista
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagturo ng anatomiya si Vesalius sa ilang mga pamantasang Italyano. Hindi katulad ng mga nauna pa sa kaniyang mga anatomo o anatomista noong Gitnang mga Kapanahunan, na hindi nagsasagawa ng sariling mga pag-aaral at paghihiwa ng mga walang-buhay na katawan ng tao o diseksiyon. Nagsagawa si Vesalius ng sarili niyang mga paghihiwa at pag-aaral sa katawang pantao. Naging katulad ang kanyang gawi sa Italyanong si Mondino de Luzzi. Isinagawa rin niya ang sariling mga paghihiwa at mga pananaliksik dahil hindi niya naibigan ang mga pangit na kinalalabasan ng mga diseksiyon ng mga katu-katulong ng mga anatomista.[1]
Isa sa dakilang ambag ni Vesalius sa pag-aaral ng anatomiya o agham ng kayarian ng katawan ang pagkakasulat niya ng Ang Kayarian ng Katawan ng Tao (kilala sa Ingles sa pamagat na The Fabric of the Human Body). Isinulat niya ito sa Pamantasan ng Padua sa Padua, Italya. Nalimbag ito sa Basel, Suwisa. Ibinatay ang mga ilustrasyon o ginuhit na mga larawan na nasa loob ng mga pahina ng kanyang aklat mula sa mga tunay na mga katawan ng tao. Itinama rin niya ang mga kamaliang hindi natagpuan ng mga kasama niya sa larangan. Napabayaang hindi naitatama ang mga tinutukoy niyang kamalian sa loob ng daan-daang mga taon, sapagkat sinisipi, ginagaya, at kinokopya lamang ang mga ito ng sinaunang mga maestro ng larangan ng agham, anatomiya, at panggagamot, na kinopya naman ng mga sumunod pang mga dalubhasa, bago sumapit ang pagtatama ni Vesalius.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- [[Himagsikang makaagham]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Andreas Vesalius (1514-1564), Who was the Greatest Early Anatomist?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 100. - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangNBK
); $2
- Articles with BNC identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with MGP identifiers
- Articles with AAG identifiers
- Articles with RKDartists identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with BPN identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Ipinanganak noong 1514
- Namatay noong 1564
- Mga Flamenco
- Mga manggagamot
- Mga anatomista
- Mga manunulat