Pumunta sa nilalaman

Alehandriya

Mga koordinado: 31°12′N 29°55′E / 31.200°N 29.917°E / 31.200; 29.917
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Alejandria)
Alehandriya

الإسكندريةة (sa Arabe)
Watawat ng {{{official_name}}}
Watawat
Opisyal na sagisag ng {{{official_name}}}
Sagisag
Palayaw: 
Perlas ng Mediteranéo
Alehandriya is located in Ehipto
Alehandriya
Iskanderiya sa mapa ng Ehipto
Mga koordinado: 31°12′N 29°55′E / 31.200°N 29.917°E / 31.200; 29.917
Country Egypt
GovernorateAlexandria
Founded331 BC
Pamahalaan
 • GovernorAbdelrahman Hassan
Lawak
 • Kabuuan2,679 km2 (1,034 milya kuwadrado)
Taas
5 m (16 tal)
Populasyon
 (2012)
 • Kabuuan4,532,174
 • Kapal1,700/km2 (4,400/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+2 (EST)
Postal code
21500
Kodigo ng lugar(+20) 3
WebsaytOfficial website
Residential neighborhood in Alexandria

Ang Alehandriya, Alexandria o Iskanderiya(اسكندريه, bigkas sa Arabe: [eskendeˈrejjæ]) [ see other names] ang ikalawang pinakamalaking siyudad ng Ehipto na may populasyong 4.1 milyon, at matatagpuan mga 32 km (20 mi) sa kahabaan ng Dagat Mediterraneo sa sentral na bahagi ng hilagang Ehipto. Ipanangalan ito kay Alehandro ng Makedonia, ang mananakop at mandirigmang griyego (na kilala din sa ngalang Aleksandr, atb.) na nagtatag ng sentrong pangkultura sa nasabing lugar. Ang Iskanderiya ang pinakamalaking siyudad na nasa baybayin ng Mediteranéo at ang pinakamalaking pantalán ng Ehipto, na nagseserbisyo sa tinatayang mga 80% ng mga inaangkat at niluluwas na mga kalakal ng bansa. Isang mahalagang sentrong pang-industriya ang siyudad dahil sa langis at petrolyong gaas nito at sa linyang pantubo ng langis mula sa Suez. Isa ring mahalagang sentrong pang-turismo ang siyudad dahil sa mga naggagandahang beach o playa sa mga parteng nasa baybay-dagat ng Mediteranéo, bukod pa sa mga makasaysayang tourist spot na dinarayo rin taun-taon. Nanatiling kabisera ng Ehipto ang Iskanderiya sa loob ng halos isang libong taon hanggang sa pananakop na Muslim ng Ehipto noong 461 Panahong Kasalukuyan (461 PK) nang ang bagong kabisera ay itinatag sa Fustat na kalauna'y naging sa Cairo. Ang Sinaunang Iskanderiya ay nakilala sa Parola ng Iskanderiya na isa sa mga Seven Wonders ng sinaunang daigdig; sa Aklatan ng Iskanderiya na pinakamalaking aklatan sa sinaunang daigdig ngunit pinalitan na ngayon ng moderong Biblioteka Iskandera at ang mga Libingan ng Kom el Syokapa. Ang patuloy na pagsisiyasat ng mga arkeologo sa pantalán ng Iskanderiya na nagsimula noong 1994 ay naging susi sa lalo pang pagkaunawa ng mga dalubhasa sa syudad at sa mga naninirahan dito bago at pagkatapos ng pagdating Iskandár. Lumitaw sa pagsasaliksik na nakilala ang siyudad na Rakotis (na ang ibig-sabihin sa Kopto ay pinagtatagan) sa panahon ng Dinastiyang Toliméo. Mula sa huling bahagi ng ika-19 siglo, ang Iskanderiya ay naging isang pangunahing sentro ng internasyon na industriya ng pagbabarko at isa sa pinakamahalagang mga sentro ng kalakalan sa mundo na parehong dahil sa ito ay nakinabang mula sa madaling koneksiyong panlupa sa pagitan ng Dagat Mediterraneo at Dagat Pula at sa lukratibong kalakalan ng bulak na Ehipsiyo.

r
Z1
a
A35t

niwt
Raqd.t (Alexandria)
sa hiroglipo
Alexandria, sphinx made of pink granite, Ptolemaic.

Ang siyudad ng Iskanderiya ay itinatag ni Alehandrong Dakila noong Abril 331 BCE bilang Ἀλεξάνδρεια (Alexandria). Ang pangunahing arkitekto ni Alehandro para sa proyekto ay si Dinókratís. Ang Iskanderiya ay nilayong pumalit sa Naukrátis bilang isang sentrong Helenistiko sa Ehipto at upang maging ugnayan sa pagitan ng Gresya at ng mayamang Ilog Nilo. Ang siyudad na Ehipsiyo na Rakotis ay umiiral na sa baybayin at kalaunang nagbigay ng pangalan nito sa sa wikang Ehipsiyo (Ehipsiyo *Raˁ-Ḳāṭit na isinulat narˁ-ḳṭy.t, 'Na ang itinayo'). Ito ay patuloy na umiral bilang sentrong Ehipsiyo ng siyudad. Pagkatapos ng mga ilang buwan ng pagkakatatag nito, umalis si Alehandro sa Ehipto at hindi na kailanman bumalik pa sa siyudad. Pagkatapos ng paglisan na ito, ang kanyang bise-royal na si Klíomenis ang nagpatuloy ng pagpapalawig nito. Pagkatapos ng isang labanan sa ibang mga kahalili ni Alejandro, ang kanyang heneral na si Tolimeo ay humalili sa pagdadala ng katawan ni Alehandro sa Iskanderiya bagaman ito ay kalaunang nawala matapos mahiwalay mula sa lugar ng pinaglibingan nito.[1]

Islam ang pangunahing relihiyon ng syudad, bagama't malaking bahagi din ng populasyon ang kristiyano, lalo na ang mga ortodoks (silangang katoliko) at katoliko (kanlurang katoliko). Sa Iskanderiya linikha ang Septaginta, ang bersyong griyego ng Bagong Tipan na siyang naging batayan ng pagsasalin ng Bibliya sa Edad Medya (Panahong Midyibal), kagaya ng saling Biblia Sacra Vulgata ni San Jerónimo na magpahanggang-ngayo'y ginagamit pa rin ng mga katoliko at ng mga iskolar ng simbahan. Ang Codex Alexandrinus (Koda ng Alehandro) na natagpuan ay isa sa tatlong pinakamatandang manuscript ng Bibliya, kasama na ng Codex Sinaiticus at Codex Vaticanus.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. O'Connor, Lauren (2009) "The Remains of Alexander the Great: The God, The King, The Symbol," Constructing the Past: Vol. 10: Iss. 1, Article 8