Ang Uruk (Kuneiporma: 𒌷𒀔,URU UNUG; Sumeriano: Unug; Akkadiano: Uruk; Aramaiko: Erech; Hebreo: Erech; Griyego: Ὀρχόη Orchoē, Ὠρύγεια Ōrugeia; Arabe: وركاء‎, Warkā') ay isang sinaunang lungsod ng Sumer at sa kalaunan ng Babilonia. Ito ay matatagpuan sa silangan ng kasalukuyang kama ng Ilog Euphrates sa sinaunang tuyong dating kanal ng Ilog Euphrates mga 30 km silangan ng modernong As-Samawah, Al-Muthannā, Iraq.[1]

Uruk
وركاء (sa Arabe)
Relief on the front of the Inanna temple of Karaindash from Uruk
Uruk is located in Iraq
Uruk
Kinaroroonan sa Iraq
KinaroroonanAs-Samawah, Al Muthanna Governorate, Iraq
RehiyonMesopotamia
KlaseSettlement
Lawak6 km2 (2.3 mi kuw)
Kasaysayan
Itinatag4th millennium BC
NilisanApproximately 700 AD
KapanahunanUruk period to Early Middle Ages

Ibinigay ng Uruk ang pangalan nito sa panahong Uruk na panahong protohistorikong Chalcolithic hanggang maagang panahong Tanso sa kasaysayan ng Mesopotomia mula ca. 4000 BCE hanggang 3100 BCE. Ang Uruk ay gumampan ng nangungunang papel sa maagang urbanisasyon ng Sumerya noong gitnang ika-4 milenyo BCE. Sa tugatog nito noong ca. 2900 BCE, ang Uruk ay may malamang na mga 50,000–80,000 mamamayan na nabubuhay sa 6 km2 of walled area; making it the largest city in the world at the time.[1] Ang kalahating-mitikal na haring si Gilgamesh ayon sa kronolohiyang ipinrisinta sa talaan ng haring Sumeryo ay naghari sa Uruk noong ika-27 siglo BCE. Nawalan ng pangunahing kahalagaaan noong mga 2000 BCE sa konteksto ng labanan ng Babilonia sa Elam. Gayunpaman, ito ay nanatiling tinitirhan ng mga tao sa mga panahong Seleucid at Parthian hanggang sa abandonahin bago o pagkatapos ng pananakop na Islamiko ng Mesopotamia. Ang lugar ng Uruk ay natuklasan noong 1849 ni William Kennett Loftus na namuno sa mga unang paghuhukay dito mula 1850 hanggang 1854. Ang pangalang Arabiko ng Babylonia na al-ʿIrāq ay pinaniniwalaang hinango mula sa pangalang Uruk sa pamamagitan ng wikang Aramaikong Erech at posibleng sa pagpasang Gitnang Persa (Persian)(Erāq).[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Harmansah, 2007
  2. "The name al-ʿIrāq, for all its Arabic appearance, is derived from Middle Persian erāq 'lowlands'" W. Eilers (1983), "Iran and Mesopotamia" in E. Yarshater, The Cambridge History of Iran, vol. 3, Cambridge: Cambridge University Press.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.