Punong meridyano

(Idinirekta mula sa Unang Katanghalian)

Ang punong meridyano (sa Ingles: prime meridian) ay ang pinakagitnang guhit na humahati sa silangan at kanluran ng globo. Ito ang meridyano (guhit ng longhitud) sa longhitud na binibigyang kahulugan bilang 0°, kaya't kilala rin bilang Sero Meridyano. Ito ang guhit sa mukha o ibabaw ng globo na nagmumula sa Hilagang Polo papunta sa Timog Polo, na dumaraan sa Greenwich, Inglatera. Ito ang batayan kung alin ang silangan at kanluran magmula sa sinasabing guhit.[1]

Lokasyon ng Punong Meridyano.

Emisperyo

baguhin

Ang emisperyo ng Punong meridyano ay hinahati ng dalawang emisperyo ang Silangang Emisperyo at Kanlurang Emisperyo natatamaan nito sa guhit na makikita sa globo simula sa Artiko, kontinente ng Europa sa bansang United Kingdom at kanluraning Aprika na nasa rehiyon ng Sahara at mag tatapos sa kalagitnaan ng Antartika sa Timog Emisperyo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Prime Meridian, Zero Meridian - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.