Ang liwanag na ultrabiyoleta o ultralila (Ingles: ultraviolet, pinapaiksi bilang UV) ay isang radyasyong elektromagnetiko na may liboyhabang mas maiksi kaysa sa nakikitang liwanag, subalit hindi mas mahaba kaysa sa mga rayos ekis, na nasa sakop na 10 nm hanggang 400 nm, at mga enerhiya mula 3 eV hanggang 124 eV. Pinangalanan itong ultrabiyoleta dahil ang ispektrum ay binubuo ng mga along elektromagnetiko na may mga prekwensiyang mas mataas kaysa sa mga nakikilala ng mga tao bilang kulay na lila.

Bagaman hindi nakikita ng mata ng tao ang radyasyong ultrabiyoleta, karamihan sa mga tao ang nakakaalam ng mga epekto ng UV sa pamamagitan ng pagkabilad ng balat dahil sa sinag ng araw, at sa mga kamang bilaran (tanning bed). Ang ispektrum mayroon bang ibang mga epekto, kapwa nakabubuti at nakasasalanta, sa kalusugan ng tao.

Ang liwanag na ultrabiyoleta ay natatagpuan sa liwanag ng araw at nagdurulot ng mga pagdiskarga ng arkong elektriko at natatanging mga liwanag katulad ng maiitim na mga liwanag. Nakapagsasanhi ito ng mga reaksiyong kimikal, at nakapagdurulot sa maraming mga sustansiya upang kumislap (ploresensiya). Ang mas mataas na mga enerhiya ng ispektrong ultrabiyoleta magmula sa bandang 150 nm (ultrabiyoletang 'higop' o 'bakyum') nakapag-iiyonisa (radyasyong nakapag-iiyonisa o ionizing radiation), ngunit ang ganitong uri ng ultrabiyoleta ay hindi gaanong nakapapasok at nahaharang ng hangin.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 08 Nobyembre 2011. "HPS.org". HPS.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-26. Nakuha noong 2011-11-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)