Triyumbirado

(Idinirekta mula sa Triumbirata)

Ang isang triyumbirado (Ingles: triumvirate, Kastila: triumvirato, mula sa Latin na "triumvirātus") ay isang rehimeng pampolitika na pinangingibabawan ng tatlong makapangyarihang mga indibidwal, na ang bawat isa ay isang triyumbiro o triumvir (na nagiging triumviri kapag maramihan). Ang pagkakaayos ng isang triyumbirado ay maaaring maging pormal o impormal, at bagaman ang tatlo ay karaniwang magkakapatas o magkakapantay ayon sa kasulatan, madalang na ganito ang nangyayari sa katotohanan.[kailangan ng sanggunian] Ang kataga ay maaari ring gamitin upang ilarawan ang isang estado na mayroong tatlong magkakaibang mga pinunong militar na ang lahat ay umaangkin ng pagiging nag-iisang pinuno.


Politika Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.