Thaksin Shinawatra

Si Thaksin Shinawatra (Thai: ทักษิณ ชินวัตร; ipinanganak 26 Hulyo 1949), isang politikong Thai, ay ang pinatalsik na punong ministro ng Thailand at ang pinuno ng partidong Thai Rak Thai. Noong 4 Abril 2006, pagkatapos ng mga protesta sa kanyang mga polisiya, mga bintang sa korupsiyon at isang maagang halalan, ipininahayag niya na bababa siya sa puwesto bilang Punong Minstro, sa kabila ng inuulat na pagkapanalo sa 54% ng mga boto sa halalan sa nagdaang tatlong araw.

Thaksin Shinawatra
Kapanganakan26 Hulyo 1949
  • (Lalawigan ng Chiang Mai, Thailand)
MamamayanThailand
Montenegro (2009–)
Trabahopolitiko, entrepreneur, negosyante, pulis, manunulat
AnakPeatongtarn Shinawatra
PamilyaYingluck Shinawatra
Pirma
Punong Ministro Thaksin Shinawatra

Ngunit sa isang kudeta na isinagawa ng ilang kasapi ng militar sa Thailand na may katapatan sa hari ay napatalsik si Thaksin habang ang huli ay dumadalo sa punong himpilan ng Nagkakaisang Bansa sa New York City upang magtalumpati sa harap ng General Assembly nito nuong 19 Setyembre 2006.



PolitikaTalambuhayThailand Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika, Talambuhay at Thailand ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.