Santa Maria, Bulacan
Ang Bayan ng Santa Maria ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 289,820 sa may 70,619 na kabahayan.
Santa Maria Bayan ng Santa Maria | ||
---|---|---|
| ||
Mga koordinado: 14°49′N 120°58′E / 14.82°N 120.96°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Gitnang Luzon (Rehiyong III) | |
Lalawigan | Bulacan | |
Distrito | Pang-apat na Distrito ng Bulacan | |
Mga barangay | 24 (alamin) | |
Pagkatatag | 1792 | |
Pamahalaan | ||
• Punong-bayan | Ruden Andrea (LAKAS-CMD) | |
• Pangalawang Punong-bayan | Daguplo Rhian Nicole | |
• Manghalalal | 142,380 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 90.92 km2 (35.10 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 289,820 | |
• Kapal | 3,200/km2 (8,300/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 70,619 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan | |
• Antas ng kahirapan | 11.53% (2021)[2] | |
• Kita | (2022) | |
• Aset | (2022) | |
• Pananagutan | (2022) | |
• Paggasta | (2022) | |
Kodigong Pangsulat | 3022 | |
PSGC | 031423000 | |
Kodigong pantawag | 44 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | wikang Tagalog | |
Websayt | santamariabulacan.gov.ph |
Heograpiya
baguhinAng Sta. Maria ay napapalibiutan ng mga bayan ng Bocaue sa dakong timog kanluran, Pandi sa hilaga at hilagang kanluran, Norzagaray sa hilagang silangan, Angat sa hilagang kanluran, lungsod ng San Jose del Monte sa timog at timog-silangan, at Marilao sa timog.
Ang bayan ng Sta. Maria ay may lawak na 9,092 ektarya o 90.92 kilometro kwadrado.Ito ay matatagpuan 32 kilometro sa hilagang-silangan ng Maynila, 18 kilometro sa timog-silangan ng Malolos, at 38 kilometro timog-silangan ng lungsod ng San Fernando sa Pampanga, ang sentrong pang-rehiyon ng Gitnang Luzon.
Ang Sta Maria ay isang kapatagan maliban sa mga bulubundukin sa dulong hilagang bahagi nito.
Kasaysayan
baguhinAng Santa Maria ay dating bahagi ng Meycauayan hanggang sa maging ganap na itong pueblo o bayan noong 1792. Noong 1793, itinayo ang luklukan ng pamahalaan sa poblacion. Si Andres dela Cruz ang kauna-unahang gobernadorcillo o capitan ng Sta.Maria. Siya ay hinalinhan ng 88 pang gobernadorcillos sa panahon ng pamamahala ng mga Espanyol.Noong 1895, sa bisa ng Batas Mauro, ang titulong "gobernadorcillo" ay pinalitan ng "capitan municipal." Si Pascual Mateo ang kahuli-hulihang capitan ng bayan.
Sa ilalim ng pamahalaang Amerikano, naglingkod si Maximo Evidente bilang kauna-unahang presidente municipal ng Sta. Maria mula 1899-1900. Siya ay sinundan ng 12 pang presidentes.Sina Agustin Morales (1928-1934) at Fortunato Halili (1934-1937) ang mga pinagkakapitaganan sa lahat ng mga naglingkod sa panahong yaon. Si Morales ay kauna-unahang nagpatayo ng "main water system" sa bayan at si Halili, na hindi kumuha ng kanyang sweldo kailanman, ay naging Gobernador ng lalawigan ng Bulacan.
Mga Punong Bayan
baguhinPunong Bayan/Mayor | Panunungkulan | |
---|---|---|
AGUSTIN MORALES | ||
PEDRO J. MANSILLA | ||
TEOFILO SANTIAGO | ||
IRENEO HERMOGENES | ||
MARCIANO BAUTISTA | ||
CONRADO H. IGNACIO | ||
RICARDO G. NICOLAS, SR | ||
ERIBERTO RAMOS | ||
RICARDO G. NICOLAS, SR. | ||
PAULINO LUCIANO, SR. | ||
RICARDO D. NICOLAS, JR. | ||
PAULINO A. LUCIANO, JR. | ||
DR. ALFREDO M. PEREZ (OIC) | ||
RICARDO D. NICOLAS, JR. (OIC) | ||
BENJAMIN G. GERONIMO (OIC) | ||
ATTY. RAMON H. CLEMENTE (OIC) | ||
ERIBERTO RAMOS | ||
REYLINA G. NICOLAS | ||
BARTOLOME R. RAMOS | ||
JESUS MATEO | ||
BARTOLOME R. RAMOS |
Turismo
baguhinAng Santa Maria ay may maraming lugar pamasyalan (resorts) tulad ng mga sumusunod: Villa Natalia Resort sa Pulong Buhangin, Long Meadows Resort, Dad's Vineyard Resort & Butterfly Garden, at Pamar Wonderpool Resort sa Barangay Mahabang Parang, Villa Carmen, Villa Antonia atSitio Lucia Resorts sa Pulong Buhangin,, 4-K Garden Resort sa Barangay Catmon, Lanesca saBarangay Bulac, Cool Water Resort sa Barangay Lalakhan, Vig Jam Resort saBarangay Balasing, atStone Bridge Resort at Barangay Tumana.
Matatagpuan din dito ang mga sikat na kainan tulad ng Jollibee, Chowking at Greenwich (lahat sa Poblacion), at Max's Restaurant at Tropical Hut Hamburger (na nasa Bagbaguin).ngayon ay mayroon na ring Mc Donalds at goldilocks sa poblacion
Kasalukuyan ginagawa ang Walter Mart sa crossing ng barangay Sta. Clara
Turismo
baguhinAng Santa Maria ay may maraming lugar pamasyalan (resorts) tulad ng mga sumusunod: Villa Natalia Resort sa Pulong Buhangin, Long Meadows Resort, Dad's Vineyard Resort & Butterfly Garden Naka-arkibo 2017-09-14 sa Wayback Machine., at Pamar Wonderpool Resort sa Barangay Mahabang Parang, Villa Carmen, Villa Antonia atSitio Lucia Resorts sa Pulong Buhangin,, 4-K Garden Resort sa Barangay Catmon, Lanesca saBarangay Bulac, Cool Water Resort sa Barangay Lalakhan, Vig Jam Resort saBarangay Balasing, atStone Bridge Resort at Barangay Tumana.
Matatagpuan din dito ang mga sikat na kainan tulad ng Jollibee, Chowking at Greenwich (lahat sa Poblacion), at Max's Restaurant at Puregold (na nasa Bagbaguin).ngayon ay mayroon na ring Mc Donalds at goldilocks sa poblacion
Ngayon ay may Waltermart na sa crossing ng barangay Sta. Clara.
Mga Barangay
baguhinAng bayan ng Santa Maria ay nahahati sa 24 na mga barangay.
Barangay | Lawak (sa kilometro kwardrado) |
---|---|
Bagbaguin | |
Balasing | |
Buenavista | |
Bulac | |
Camangyanan | |
Catmon | |
Caypombo | |
Caysio | |
Guyong | |
Lalakhan | |
Mag-asawang Sapa | |
Mahabang Parang | |
Manggahan | |
Parada | |
Poblacion (Santa Maria town proper) | |
Pulong Buhangin | |
San Gabriel | |
San Jose Patag | |
San Vicente | |
Santa Clara | |
Santa Cruz | |
Silangan | |
Tabing Bakod (Santo Tomas) | |
Tumana |
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 10,791 | — |
1918 | 12,174 | +0.81% |
1939 | 14,987 | +0.99% |
1948 | 17,509 | +1.74% |
1960 | 26,341 | +3.46% |
1970 | 36,369 | +3.27% |
1975 | 45,615 | +4.65% |
1980 | 58,748 | +5.19% |
1990 | 91,468 | +4.53% |
1995 | 101,071 | +1.89% |
2000 | 144,282 | +7.93% |
2007 | 205,258 | +4.98% |
2010 | 218,351 | +2.28% |
2015 | 256,454 | +3.11% |
2020 | 289,820 | +2.43% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province: Bulacan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Bulacan". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)