Proton
Ang proton o mulasik ay isang bahagi ng isang atomo. Natatagpuan sila sa nukleyus ng isang atomo kasama ng mga neutron. Ipinapangkat ng talahanayang peryodiko ang mga atomo ayon sa gaano kadaming mga proton ang mayroon sila. Ang nag-iisang atomo ng hidroheno (ang pinakamagaan na uri ng atomo) ay binubuo ng isang elektron na gumagalaw sa paikot sa isang proton. Karamihan sa masa ng atomong ito nasa loob ng proton, na halos 2000 mga ulit na mas mabigat kaysa sa elektron. Ang mga proton at ang mga neutron ang bumubuo sa nukleyus ng bawat isang iba pang uri ng atomo. Sa loob ng alin mang isang elemento, ang bilang ng mga proton ay palaging magkatulad. Ang atomikong bilang ng isang atomo ay katumbas ng bilang ng mga proton na nasa loob ng atomong ito.
Klasipikasyon | Baryon |
---|---|
Komposisyon | 2 up quarks, 1 down quark |
Estadistika | Fermionic |
Mga interaksiyon | Gravity, Electromagnetic, Weak, Strong |
Simbolo | p, p+, N+ |
Antipartikulo | Antiproton |
Nag-teorisa | William Prout (1815) |
Natuklasan | Ernest Rutherford (1919) |
Masa | 1.672621777(74)×10−27 kg[1] 1.007276466812(90) u[1] |
Mean na panahon ng buhay | >2.1×1029 years (stable) |
Elektrikong karga | +1 e 1.602176565(35)×10−19 C[1] |
Radius ng karga | 0.8775(51) fm[1] |
Elektrikong dipolong sandali | <5.4×10−24 e·cm |
Elektrikong Polarisabilidad | 1.20(6)×10−3 fm3 |
Magnetikong sandali | 1.410606743(33)×10−26 J·T−1[1] 2.792847356(23) μN[1] |
Magnetikong polarisabilidad | 1.9(5)×10−4 fm3 |
Ikot | 1⁄2 |
Isospin | 1⁄2 |
paridad | +1 |
Kondensada | I(JP) = 1⁄2(1⁄2+) |
Binubuo ang mga proton ng mga kuwark. Pinaniniwalaan na ang isang proton ay binubuo ng 3 mga kuwark, dalawang pataas na kuwark at isang pababang kuwark. Ang isang pababang kuwark ay may kargang -1/3, at ang dalawang pataas na kuwark ay may +2/3 bawat isa. Dumaragdag ito sa isang kargang +1. Ang isang proton ay may isang napakaliit na masa. Ang masa ng proton ay nasa bandang isang yunit ng masang atomiko. Ang masa ng neutron ay nasa bandang isang yunit ng masang atomiko rin.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 P.J. Mohr, B.N. Taylor, and D.B. Newell (2011), "The 2010 CODATA Recommended Values of the Fundamental Physical Constants" (Web Version 6.0). This database was developed by J. Baker, M. Douma, and S. Kotochigova. Available: http://physics.nist.gov/constants [Thursday, 02-Jun-2011 21:00:12 EDT]. National Institute of Standards and Technology, Gaithersburg, MD 20899.