Prosper-René Blondlot

Si Prosper-René Blondlot ay ipinanganak at namatay sa Nancy, Pransiya (3 Hulyo 1849 - 24 Nobyembre 1930) ay isang Pranses na pisiko.

Prosper-René Blondlot
Kapanganakan3 Hulyo 1849
  • (Meurthe-et-Moselle, Grand Est, Metropolitan France, Pransiya)
Kamatayan24 Nobyembre 1930
  • (Meurthe-et-Moselle, Grand Est, Metropolitan France, Pransiya)
MamamayanPransiya
NagtaposUnibersidad ng Lorraine
Trabahopisiko, propesor ng unibersidad

Talambuhay

baguhin

Naghanda si Blondlot ng isang tesis hinggil sa pisikang eksperimental para sa degring D.Sc. (Duktor ng Siyensiya) para sa Laboratoryo ng Pananaliksik na Pisikal ng Pakultad ng Paris. Umangat ang kaniyang reputasyon mula 1890 hanggang 1900 dahil sa karanasan niya sa pagtulong sa pagtiyak ng mga resulta ng gawain ni Heinrich Hertz noong 1893 hinggil sa polarisasyon ng mga hanay na magnetiko (magnetic field).

Naging kilalang-kilala siya dahil sa pagkakagawa ng isa sa pinaka malaking mga kamalian ng ika-20 daantaon sa pisikang eksperimental, kung kailan - noong 1903 - ay ipinahayag niya na natuklasan niya ang mga "sinag N" o N ray. Ang hipotetikal na radyasyong ito, na ipinangalan bilang parangal sa Pamantasan ng Nancy kung saan siya nagturo, ay ipinapalagay na makapagpapataas ng katingkaran ng isang liwanag na mababa ang intensidad (kasidhian). Noong 1904, ibinunyag ng Amerikanong pisikong si Robert William Wood (1868–1955) sa pang-agham na diyaryong Nature na ang kababalaghan (penomeno) ay pasakali lamang talaga at walang pinagmulang pisikal: ang penomeno ay "naobserbahan" kahit na kinuha niya nang palihim ang aparatong ginamit sa pagpapalitaw ng mga sinag na N.

Isang liwasan, na ipinamana niya sa lungsod ng Nancy, ang nagtataglay ng kaniyang pangalan.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.