Ang Paglalata o pagdedelata (Ingles: Canning; ang salitang "delata" ay mula sa pariralang Kastila na de lata na may pakahulugang "ng lata" na may pahiwatig na "nakalata" o "nasa loob ng lata") ay isang paraan ng pagpepreserba ng pagkain kung saan ang nilalamang pagkain ay pinupruseso, ipinapaloob, at tinatakpan sa loob ng lalagyang lata na hindi pinapasukan ng hangin. Ang pagdedelata ay nagbibigay ng isang pangkaraniwang tagal ng pagpapanatili ("tagal ng buhay") na sumasakop mula isa hanggang limang mga taon, bagaman sa ilang tiyak na mga kalagayan ang isang produktong idinelata na pinatuyo at pinatigas sa pamamagitan ng lamig, katulad ng dinelatang pinatuyo at pinatigas na mga lentehas, ay maaaring magtagal na umaabot sa 30 mga taon na nasa kalagayang makakain. Ang proseso ay unang nilikha at pinaunlad ni Nicolas Appert bilang isang tuklas ng militar ng Pransiya noong 1810. Ang balutan o pambalot na lata ay nakapipigil sa mga mikroorganismong makapasok at mabilisang dumami sa loob.

Isang bukas na lata

Upang maiwasang mapanis o masira ang pagkain bago at habang ipinapasok ang pagkain, ilang mga metodo ang ginagamit. Kabilang dito ang pasteurisasyon, pagpapakulo (at iba pang mga paglalapat ng matataas na mga temperatura sa loob ng isang panahon), repriherasyon, pag-iilado (pagpapatigas sa pamamagitan ng lamig), pagpapatuyo, paghuhungkag o pagtatanggal ng lamang hangin, mga ahenteng antimikrobyal na likas sa resipi ng mga pagkaing pinipriserba o tinitinggal, isang sapat na antas o dosahe ng nakakaionisang radyasyon, pagbababad o submersyon sa isang malakas na solusyong salina (maasing solusyon), asido, alkalina, at iba pang mga kapaligirang sukdulan ang osmosis (osmotikal, halimbawa na ang pagiging napakatamis) o kapaligirang humahamon sa kakayanan ng mga mikrobyo.

Mga sanggunian

baguhin