Okazaki

Lungsod sa Aichi Prefecture, Japan

Ang Okazaki (岡崎市, Okazaki-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Japan. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), may tinatayang populasyon ito na 386,999 katao sa 164,087 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 999 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 387.20 km2 (149.50 mi kuw).

Okazaki

岡崎市
Mula sa kaliwang-itaas: Kastilyo ng Okazaki; Templo ng Ichihatasanyakushiji; Maruya Hatcho Miso; Panoramang urbano ng Okazaki; Hatcho Miso
Watawat ng Okazaki
Watawat
Opisyal na sagisag ng Okazaki
Sagisag
Kinaroroonan ng Okazaki (nakatanda ng kulay rosas) sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Okazaki (nakatanda ng kulay rosas) sa Prepektura ng Aichi
Okazaki is located in Japan
Okazaki
Okazaki
 
Mga koordinado: 34°57′15.6″N 137°10′27.7″E / 34.954333°N 137.174361°E / 34.954333; 137.174361
BansaHapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Pamahalaan
 • AlkaldeYasuhiro Uchida (mula noong Nobyembre 2012)
Lawak
 • Kabuuan387.20 km2 (149.50 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan386,999
 • Kapal1,000/km2 (2,600/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
Mga sagisag ng lungsod 
• PunoHapones na itim na pino
• BulaklakWisteria
• IbonHapones na pastorsilya
Bilang pantawag0564-23-6495
Adres2–9 Jūō-chō, Okazaki-shi, Aichi-ken 444-8601
WebsaytOpisyal na website

Kasaysayan

baguhin

Tinitirhan na ang lugar ng kasalukuyang Okazaki sa loob ng libu-libong mga taon. Natuklasan ng mga arkeologo ang mga labing buhat sa panahon ng Paleolitikong Hapones. Natuklasan din ang maraming mga labi mula sa mga panahong Jōmon, Yayoi at Kofun, kabilang na ang maraming mga puntod na kofun.

Noong panahong Sengoku, ang lugar ay pinamunuan ng angkang Matsudaira, na magmumula sa isang sangay nito ang angkang Tokugawa, na namuno sa Hapon noong panahong Edo. Sa panahong ito itinatag ang Dominyong Okazaki, isang piyudal na han, upang mamuno sa palibot ng lugar ng Okazaki at ipinasakamay sa isang fudai daimyō. Ilang mas-maliit na mga dominyo ay nasa kasalukuyang teritoryo ng lungsod, kabilang ang Fukozu (kalaunan ay Mikawa-Nakajima), Dominying Okudono at Dominyong Nishi-Ohira. Lumago ang bayan bilang isang panuluyan sa Tōkaidō na nag-uugnay ng Edo sa Kyoto.

Kasunod ng pagpapanumbalik ng Meiji, itinatag ang makabagong bayan ng Okazaki noong Oktubre 1, 1889 kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad sa Distrito ng Nukata ng Prepektura ng Aichi. Noong Oktubre 1, 1914, isinama ng Okazaki ang kalapit na bayan ng Hirohata. Itinalagang lungsod ang Okazaki noong Hulyo 1, 1916.

Napinsala ang lungsod nang tinamaan ito ng lindol sa Tōnankai (1944) na ikinamatay ng 9 na katao, at ng lindol sa Mikawa (1945) na ikinasawi ng 29 na katao. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, namatay ang higit sa 200 katao sa Pambobomba ng Okazaki noong Hulyo 19, 1945, at nawasak ang karamihan sa sentro ng lungsod. Bagamat ang Okazaki ay kinaroroonan ng isang palapagan ng Hukbong Pandagat Imperyal ng Hapon, hindi napinsala ang mga pasilidad ng militar sa pag-atake.

Lumaki nang husto ang lawak ng lungsod noong 1955 sa pamamagitan ng serye ng mga pagsasanib. Sinanib sa lungsod ang dating mga bayan ng Iwazu, Fukuoka, at Yahagi, at mga nayon ng Honjuku, Yamanaka, Kawai, Fujikawa, at Ryugai. Nagkaroon ng malaking pinsala nang tumama sa lungsod ang Bagyong Isewan noong 1959 at ikinamatay ng 27 mga residente. Noong Oktubre 15, 1962, sinanib ng Okazaki ang karatig bayan ng Mutsumi.

Ipinroklamang core city ang Okazaki noong Abril 1, 2003, kalakip ng pinadagdag na pagsasarili mula sa pamahalaang pamprepektura. Noong Enero 1, 2006, sinanib sa lungsod ang bayan ng Nukata (mula sa Distrito ng Nukata).

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang Okazaki sa pambaybaying mga kapatagan ng timog-silangang Prepektura ng Aichi. Papataas ang lupa sa banayad na mga burol sa dating lugar ng Nukata sa hilagang-silangan. Humigit-kumulang 60 porsiyento ng lungsod ay binabalutan ng gubat at nananatiling hindi matao.[kailangan ng sanggunian]

Ang Okazaki ay nasa layong 250 milya (400 km) mula Tokyo, sa timog-kanluran.[2]

Kalapit na mga munisipalidad

baguhin

Demograpiya

baguhin

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] tuluy-tuloy ang paglaki ng populasyon ng sa nakalipas na 60 mga taon. Sumasalamin sa mabilis na paglaking ito ang mababang reyt ng bilang ng mga taong walang trabaho, pati ang abot-kayang mga pabahay na malapit sa Nagoya. Sa kabuoang populasyon noong Nobyembre 2019, 12,581 katao ay mga banyaga (2.92% ng kabuoan, kung ihahambing sa humigit-kumulang 1.55% kapag buong bansa). May 6,148 mga banyagang kalalakihan at 6,433 mga banyagang kababaihan na may kabuoang 6990 mga kabahayan. Kabilang ang mga nakapagtalang walang estado, nagmumula ang banyagang populasyon sa 71 mga nasyonalidad, bagamat higit sa kalahati ay mula sa Basil. Ang ibang mahalagang mga pamayanang banyaga ay mga Koreano, Tsino at Pilipino.

Historical population
TaonPop.±%
1960 186,559—    
1970 219,092+17.4%
1980 271,243+23.8%
1990 316,334+16.6%
2000 345,997+9.4%
2010 373,472+7.9%

Ekonomiya

baguhin

Dating kilala ang Okazaki bilang sentro ng industriyang tela at komersiyo noong panahong Meiji, gayon din ang paggawa ng miso. Ang makabagong Okazaki ay isang sentro ng mga industriya ng kimikal at makinarya.

Mga kapatid na lungsod

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Okazaki City official statistics (sa Hapones)
  2. "Keita Takenami Kentucky new home for Toyota official" (Archive Naka-arkibo 2020-10-29 sa Wayback Machine.). Cincinnati Enquirer. Sunday January 12, 1997. Retrieved on August 15, 2014.
  3. Okazaki population statistics
  4. 4.0 4.1 "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 4 March 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

baguhin