Si Mihail Sergeevič Gorbačëv (Siriliko: Михаил Сергеевич Горбачёв; Inggles: Mikhail Gorbachev) (2 Marso 1931 - 30 Agosto 2022) ang pinuno ng Unyong Sobyet mula 1985 hanggang 1991. Sa kanyang panunungkulan natapos ang Unyong Sobyet. Siya ang nagpasimula ng Perestroikana may ibig sabihing Baguhin o Ayusin, ang Glasnost na may ibig sabihing Kalayaan.

Mikhail Gorbachev
Михаил Горбачёв
Si Gorbachev noong 1987
Pangulo ng Unyong Sobyet
Nasa puwesto
15 Marso 1990 – 25 Disyembre 1991
Punong MinistroNikolai Ryzhkov
Valentin Pavlov
Ivan Silayev
Pangalwang PanguloGennady Yanayev
Nakaraang sinundanAndrei Gromyko
Sinundan niBoris Yeltsin bilang Pangulo ng Rusya, pagkakatatag ng CIS
Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Unyong Sobyet
Nasa puwesto
11 Marso 1985 – 24 Agosto 1991
Nakaraang sinundanKonstantin Chernenko
Sinundan niVladimir Ivashko (Acting)
Ika-12 Pangulo ng Presidium ng Supremong Sobyet ng Unyong Sobyet
Nasa puwesto
1 Oktubre 1988 – 25 Mayo 1989
Punong MinistroNikolai Tikhonov
Nikolai Ryzhkov
Unang Pangulo ng Supremong Sobyet ng Unyong Sobyet
Nasa puwesto
25 Mayo 1989 – 15 Marso 1990
Nakaraang sinundansarili bilang Pangulo ng Presidium ng Supremong Sobyet
Sinundan niAnatoly Lukyanov bilang Ispiker ng Parlamento
sarili bilang Puno ng Estado bilang Pangulo ng Unyong Sobyet
Kasapi ng Politburo
Nasa puwesto
1980–1991
Personal na detalye
Isinilang2 Marso 1931(1931-03-02)
Stavropol, Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet ng Rusya, Unyong Sobyet
Yumao30 Agosto 2022(2022-08-30) (edad 91)
Moscow, Russia
HimlayanNovodevichy Cemetery, Moscow
Partidong pampolitikaPartido Komunista ng Unyong Sobyet (1950–1991)
Partido Demokratikong Lipunan ng Rusya (2001–2004)
Union of Social Democrats (2007-kasalukuyan)
Malayang Partido Demokratiko ng Rusya (2008-kasalukuyan)
AsawaRaisa Gorbachyova (d. 1999)
Alma materMoscow State University
PropesyonAbogado
Pirma

Bilang presidente ng Unyong Sobyet, ang mga programa ni Gorbachev ay may layuning ibalik muli ang ekonomiya ng bansa at baguhin ang problematikong proseso ng takbong politikal. Subalit ang mga ito ay nagresulta ng mga serye ng panyayari kung saan tuluyang nawala ang kapangyarihang komunista at bumagsak ang bansang Unyong Sobyet kasama ang mga satellite states na pinanghahawakan ng Partido Komunista.[1]

Pagkakakilanlan

baguhin

Si Gorbachev ay ipinanganak noong 2 Marso 1931 sa Stavropol, Russian SFSR, Unyong Sobyet.[1]

 
Si Gorbachev kasama ang kanyang lolo't lolang Ukranyo, mga huling bahagi ng 1930s

Parehas ng kanyang magulang ay nagtrabaho sa kabukiran na pinamamahalaan ng gobyerno habang ang binatang Gorbachev ay nagtrabaho bilang isang combined harvester.[1] Dahil sa ipinamalas niyang galing sa trabaho, iginawad sa kanya ang gantimpalang Order of Red Banner of Labour noong 1949.[2]

Noong 1950, pumasok si Gorbachev ng abogasya sa Estadong Unibersidad ng Moscow. Nang siya'y makapagtapos ng pag-aaral sa nasabing unibersidad noong 1955, naging aktibong miyembro na si Gorbachev sa Partido Komunista.[1] Noong 1955 rin pinakasalan ni Gorbachev si Raisa Maximovna Titorenko, isang estudyante ng pilosopiya.[2]

Panahon ng Panunungkulan sa Unyong Sobyet

baguhin

Noong 1985, nahirang na pinuno ng Partidong Komunista si Gorbachev. Sa simula pa lamang ng kanyang pamumuno, ipinadama na niya ang pagpapatupad sa mag ng pagbabagong Radikal. Pinakasentro ng mga Radikal na repormang kanyang ipinatupad ang tinatawag na Perestroika o pagrereorganisa o pagrereistraktura. Pangunahing prinsipyo ng Perstroika ang nagsasaad na hindi kailanman maaaring gamitin ang Sandatang nuklear upang matupad ang layuning Pampolitika, Ekonomik at ideolohikal ng isang Bansa. Batay dito, walang saysay at hindi makatwiran ang Armas-Nuklear. Sa anumang digmaan magagamit ang sandatang nuklear, walang maituturing na panalo o natalo sapagkat mawawala ang kabihasnan ng buong Daigdig.

 
Si Gorbachev sa Brandenburg Gate noong 1986 na nasa isang pagbisita sa East Germany

Sapagkat nakita ni Gorbachev na hindi magtatagumpay ang anumang pagbabago sa ekonomiya kung walang pagbabagong paiiralin sa sistemang panlipunan at pampolitika, maging mahahalagang bahagi ng Perestroika ang tinatawag na Glasnost o pagiging Bukas. Hinihikayat niya ang mga mamamayan at mga opisyal na talakayin at magpalitan ng kaisipan tungkol sa mga kalakaran at mag kahinaan ng Unyong Sobyet o Union of Soviet Socialist Republics O USSR. Nabigyan ng kalayaan ang mga Tao sa pamamahayag at naging kritikal sila sa Pamahalaan.

Naging maluwag si Gorbachev sa mga republika na nasa ilalim ng Unyong Sobyet. Dahil dito, isa-isang humiling at naghayag ng kalayaan ang mga republika. Noong 8 Disyembre 1991, inihayag ng mga pinuno ng Rusya, Ukraine, at Belarus ang pagkalas mula sa Unyong Sobyet. Pinalitan ng Commonwealth of Independent States (CIS) ang dating pangalan ng Unyong Sobyet.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Mikhail Gorbachev: The Soviet leader who helped end the Cold War". BBC News (sa wikang Ingles). 2022-08-30. Nakuha noong 2024-01-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "The Nobel Peace Prize 1990". NobelPrize.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.