Si Michael Faraday (22 Setyembre 1791 - 25 Agosto 1867) ay isang Ingles na kimiko at pisiko.

Michael Faraday
Si Michael Faraday.
Kapanganakan22 Setyembre 1791[1]
  • (London Borough of Southwark, Kalakhang Londres, London, Inglatera)
Kamatayan25 Agosto 1867[1]
  • (Kalakhang Londres, London, Inglatera)
LibinganHighgate Cemetery
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland
Kaharian ng Gran Britanya
Trabahopisiko, kimiko, imbentor, manunulat

Sa kanyang kapanahunan, tinatawag ang mga taong katulad niya bilang mga likas na mga pilosopo o mga pilosopong natural. Gayundin, noong panahong iyon, kaunti lamang ang nalalamang tungkol sa kuryente o elektrisidad. Maraming mga bagay na natuklasan si Faraday hinggil sa paraan ng pagganap ng kuryenteng dumaraloy sa alambre bilang isang balani o magneto (tinatawag ngayon na elektromagnetismo). Natuklasan din ang maraming mga bagay kung paano magagamit ang elektrisidad na sinasamahan ng mga kimikal upang mapagbago ang mga ito (kilala sa ngayon bilang elektrokimika).

Naipakita niyang may kakayahan maipluwensiyahan o maapektuhan ng magnetismo ang sinag ng liwanag, dahil magkapareho lamang ang dalawang ito sa katotohanan. Siya ang umimbento ng unang motor na de-kuryente. Dahil sa kanyang maagang mga gawa kaya't naging isang gamiting bagay ang kuryente sa kasalukuyang panahon.

Tingnan din

baguhin

Mga bagay na may kaugnayan kay Faraday:

Mga sanggunian

baguhin


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kimika at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.