Leonhard Euler
Si Leonhard Paul Euler (IPA /ˈɔɪlər/) (15 Abril 1707, Basel, Switzerland - 18 Setyembre 1783, St Petersburg, Rusya) ay isang Swisong matematiko at pisiko. Tinuturing siya bilang ang namamayaning matematiko sa ika-18 siglo at isa sa mga dakilang matematiko sa lahat ng panahon; at tiyak na siya ang isa sa mga pinakamabunga, na may nakolektang gawa na pinupuno ang mahigit 70 bolyum. Siya ang nagtatag ng pag-aaral teorya ng grap at topolohiya at napakaimpluwensyal sa pagkadiskubre ng iba't-ibang sangay ng matematika tulad ng analitikong teorya ng mga bilang, teorya ng bilang, komplikadong analisis, at kalkulong inpitesimal. Ipinakilala niya ang karamihan sa modernong matematikal na terminolohiya at notasyon, kabilang ang paniwala ukol sa isang punsyong matematikal.[1]
Leonhard Euler | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Abril 1707 |
Kamatayan | Setyembre 18 [Lumang Estilo Setyembre 7] 1783 |
Nasyonalidad | Swiss |
Nagtapos | Pamantasan ng Basel |
Kilala sa | numero ni Euler |
Karera sa agham | |
Larangan | Matematiko at pisiko |
Institusyon | Akademya ng mga Agham ng Imperyal ng Rusya Akademya ng Berlin |
Doctoral advisor | Johann Bernoulli |
Doctoral student | Johann Hennert Joseph Lagrange |
Pirma | |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Dunham 1999, p. 17.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.