Kalimantan
Sa karaniwang paggamit, tumutukoy ang salitang Kalimantan sa bahagi ng pulo ng Borneo na sakop ng Indonesia, ngunit sa paggamit ng mga Indones, sakop ng salitang "Kalimantan" ang buong pulo ng Borneo.
Sakop ng Indonesia ang 73% ng buong lawak ng Borneo, at halos 70% ng populasyon nito (na nasa 13,772,543 katao ayon sa senso ng Indonesia noong 2010). Nahahati naman ang natitirang bahagi ng Borneo na hindi sakop ng Indonesia sa pagitan ng Brunei at Silangang Malaysia, kung saan nahahati ang bahaging Malasyo sa Sarawak at Sabah.
May limang lalawigan na sakop ng Kalimantan:
Province | Lawak (km2) | Kabuuang populasyon (senso ng 2000) | Kabuuang populasyon (tantiya ng 2005) | Kabuuang populasyon (senso ng 2010) | Kabiserang panlalawigan |
---|---|---|---|---|---|
Kanlurang Kalimantan (Kalimantan Barat) |
147,307.00 | 4,016,353 | 4,042,817 | 4,393,239 | Pontianak |
Gitnang Kalimantan (Kalimantan Tengah) |
153,564.50 | 1,801,965 | 1,913,026 | 2,202,599 | Palangkaraya |
Timog Kalimantan (Kalimantan Selatan) |
38,744.23 | 2,984,026 | 3,271,413 | 3,626,119 | Banjarmasin |
Silangang Kalimantan (Kalimantan Timur) |
204,534.34 | 2,451,895 | 2,840,874 | 3,550,586 | Samarinda |
Hilagang Kalimantan (Kalimantan Utara) |
71,176.72 | — | 473,424 | 524,526 | Tanjung Selor |
Kabuuan | 615,326.79 | 11,254,239 | 12,541,554 | 14,297,069 |