Si John Dalton ay isang Ingles na alagad ng agham. Ang kaniyang mga gawa'y patungkol sa kapnayan, liknayan, at meteyorolohiya. Nabuhay siya mula noong 6 Setyembre 1766 hanggang 27 Hulyo 1844. Siya ang nagpasimuno ng Makabagong Teoriyang pang-Atomo. Isa siya sa mga itinuturing na "Ama ng Kapnayan".

John Dalton
Kapanganakan6 Setyembre 1766[1]
  • (Inglatera)
Kamatayan27 Hulyo 1844[2]
  • (Manchester, Greater Manchester, North West England, Inglatera)
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland[2]
Trabahopisiko, matematiko, meteorologo, kimiko, botaniko
Asawanone
Pirma

Mga ambag sa kapnayan

baguhin

Noong 1801, natuklasan ni Dalton ang Batas ng mga Bahagiang Pagdiin (Law of Partial Pressures).

Noong 1803, kaniyang inilimbag and unang datos ng pinaghambingang bigat ng mga atomo.

Sa taong 1803 rin niya nilikha ang Makabagong Teoryang pang-Atomo. Ayon dito, 1. Ang lahat ng materya'y binubuo ng maliliit at di-mahahating bagay na tinawag na atomo, 2. Ang atomo ng isang elemento'y mayroong mga natatanging katangian at bigat, 3. May tatlong uri ng atomo: payak (mga elemento), kompuwesto (mga payak na tipik), at masalimuot (mga masalimuot na tipik).

Ang teoriyang ito ay iniharap sa New System of Chemical Philosophy.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kimika at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb13746608g; hinango: 15 Nobyembre 2016.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 https://www.biography.com/people/john-dalton-9265201; hinango: 25 Enero 2019.