14°33′30″N 121°04′05″E / 14.55833°N 121.06806°E / 14.55833; 121.06806

Ang Ilog Marikina (Ingles: Marikina River) ay isang ilog sa Kalakhang Maynila, Pilipinas na pangunahing ilog na dumadaan sa Lungsod ng Marikina. Isa ito sa mga sanga ng Ilog Pasig na ang pinagkukunan ng tubig ay sa Bulubundukin ng Sierra Madre Rodriguez, Rizal.

Ilog Marikina (Ilog ng Marikina)
Ang Ilog Marikina sa Lungsod ng Pasig
Mga rehiyon National Capital Region, CALABARZON
Cities Lungsod ng Marikina, San Mateo, Lungsod ng Quezon, Lungsod ng Pasig
Source
 - location Rodriguez, Rizal, CALABARZON
Bibig Ilog Pasig
 - location Ilog Pasig, Kalakhang Maynila
 - elevation m (0 ft)
 - coordinates 14°33′30″N 121°04′05″E / 14.55833°N 121.06806°E / 14.55833; 121.06806
Mapa ng Ilog Marikina at Pasig

Isang mahalagang rutang pangtransportasyon ang Ilog Marikina noong panahon ng mga Kastila, subalit ang kahalagahan nito ay nawala nang maitatag ang pambansang daang-bayan ng Pilipinas o national highway.

Mga tulay

baguhin
 
 
1
 
2
 
3
 
4
 
5
 
6
 
7
 
8
 
9
 
10
Mga kinaroroonan ng mga tulay ng ilog sa Kalakhang Maynila

May labindalawang (12) tulay na tumatawid ng ilog. Ang mga ito ay:

  • Tulay ng Montalban - nagdadala ng Lansangang Rodriguez (Barangay Payatas, Lungsod Quezon at Barangay Geronimo, Rodriguez, Rizal)
  • Tulay ng Batasan–San Mateo (near Batasang Pambansa) - nagdadala ng Daang Batasan–San Mateo (Batasan Hills, Lungsod Quezon and San Mateo, Rizal)
  • Tulay ng Tumana - nag-uugnay ng Kalye Moscow at Bagong Farmers Avenue 1 (Barangay Pansol, Lungsod Quezon at Barangay Tumana, Marikina)
  • Tulay ng Marikina - nagdadala ng Abenida Andres Bonifacio (Mga Barangay ng Jesus Dela Peña and Santa Elena, Marikina)
  • Tulay ng Marcos - nagdadala ng Lansangang Marikina–Infanta o Lansangang Marcos (Mga Barangay ng Calumpang at Barangka, Marikina)
  • Tulay ng Ika-2 Linya ng Maynila (Mga Barangay ng Calumpang at Barangka, Marikina)
  • Tulay ng Macapagal - nag-uugnay ng Lansangang Marikina–Infanta at C5 (sa pamamagitan ng Daang FVR) (Mga Barangay Calumpang and Barangka, Marikina)
  • Tulay ng Manalo (Tulay ng Circulo Verde)- nagdadala ng Daang Caruncho na nag-uugnay ng C-5 (sa pamamagitan ng Calle Industria) at Abenida Eulogio Amang Rodriguez (Barangay Bagumbayan sa Libis, Lungsod Quezon at Barangay Manggahan, Pasig)
  • Tulay ng Rosario - nagdadala ng Abenida Ortigas (Barangay Rosario, Pasig)
  • Tulay ng Sandoval - nagdadala ng Karugtong ng Bulebar Pasig (Mga Barangay ng Bagong Ilog at Caniogan, Pasig)
  • Tulay ng Santa Rosa de Lima - nagdadala ng Kalye Dr. Garcia (Mga Barangay ng Bagong Ilog at Santa Rosa, Pasig)

Tingnan Din

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.