Ang heodesya o heodetika, (sa Ingles: geodesy, geodetics) ay ang pag-aaral na tumatalakay sa hugis at laki ng daigdig. Tinatawag na heodesista ang dalubhasa sa larangang ito.[1] Isa itong sangay ng agham na pandaigdig at disiplinang pang-agham na humaharap sa pagsusukat at representasyon ng Daigdig, kabilang na ang hanay na panggrabitasyon, na nasa espasyong tatlo ang dimensiyon at pabagu-bago ang oras. Pinag-aaralan din ng mga heodesista ang penomenang heodinamikal na katulad ng paggalaw ng ibabaw ng daigdig, paglaki at pagliit (pagtaas at pagkati) ng tubig, at galaw na polar. Para rito, nagdidisenyo sila ng mga network ng mga kontrol na pangglobo at pambansa, na ginagamit ang mga teknikong terestriyal (panlupa) at mga pangkalawakan habang sumasalalay sa mga datum at mga sistema ng koordinado.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Geodesy, heodesiya - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.