Bulebar Aurora
Ang Bulebar Aurora (Ingles: Aurora Boulevard) ay isa sa mga pangunahing lansangan ng Lungsod Quezon at San Juan sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong lansangan na may apat hanggang sampung linya na dumadaan sa Sentrong Araneta pagbagtas nito sa EDSA. Sa ibabaw nito dumadaan ang Linya 2, maliban sa bahaging malapit sa Abenida Katipunan, kung saan dadaan ang linya sa ilalim ng bulebar paglapit sa Estasyon ng Katipunan.
Bulebar Aurora Aurora Boulevard | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | N130 (Abenida Gregorio Araneta) / N180 (Bulebar Magsaysay) |
| |
Dulo sa silangan | N11 (Abenida Katipunan) / N59 (Lansangang Marcos) |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | San Juan, Lungsod Quezon |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Isang bahagi ng Daang Radyal Blg. 6 (R-6) ang Bulebar Aurora. Bahagi rin ito ng dalawang ruta ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas: N59 (mula Abenida Katipunan hanggang EDSA) at N180 (mula EDSA hanggang Abenida Gregorio Araneta).
Kasaysayan
baguhinNoong 1900, sinimulan ang pagtatayo ng bulebar sa bahaging EDSA - Abenida Katipunan, at tinawag itong Calle Quezón. Ang bahagi naman ng bulebar mula EDSA hanggang Kalye Balete at Abenida Gilmore ay tinawag na San Juan Road (o Highway 55). Noong 1910, pinahaba ang bulebar sa Infanta, Quezon (ang bahaging ito ay naging Lansangang Marikina–Infanta di-kalaunan). Noong dekada-1950, pinagpatuloy ang kanlurang dulo nito hanggang sa maabot nito ang Abenida Gregorio Araneta, at ang buong lansangan ay pinangalanang Manila Provincial Road. Ang bahagi naman ng bulebar mula Abenida Gregorio Araneta hanggang Bulebar Dewey (Bulebar Roxas ngayon), na pinangalanang Marikina–Ermita Avenue noong 1955, ay naging Bulebar Ayala (na minsan tinawag na Aurora Boulevard Extension), Kalye Legarda (Calle Alix noong panahon ng mga Kastila), at Bulebar Santa Mesa (na kalauna'y naging Bulebar Magsaysay). Noong 1963, binigyan ng bagong pangalan na Bulebar Aurora ang lansangan, na mula kay Aurora Quezon, ang asawa ni dating Pangulo Manuel L. Quezon.
Ang pinakaunang ice-cream parlor sa Pilipinas, ang Magnolia Ice Cream House[1], ay dating matatagpuan sa gilid ng Bulebar Aurora at Kalye Doña Hemady (okupado ngayon ng Robinsons Magnolia ang lugar na ito).[2]
Paglalarawan ng ruta
baguhinNahahati ang Bulebar Aurora sa dalawang ruta, ang Abenida Araneta papuntang EDSA (N180 sa sistemang lansangambayan ng Pilipinas) at EDSA papuntang Abenida Katipunan/C-5 (N59). Karamihan ng daan ay isang pang-apatan na dalawahang daanan (dual carriageway), kasama ang nakaangat na Linya 2 na kadalasang nagsisilbi bilang panggitnang harangan ng bulebar, maliban sa bahaging malapit sa Abenida Katipunan, kung saan dumadaan ito sa ilalim ng lupa (kasama ang Estasyong Katipunan).
Nagsisimula ang Bulebar Aurora bilang isang pisikal na karugtong ng Bulebar Magsaysay paglampas ng Abenida Gregorio Araneta malapit sa hangganan ng mga lungsod ng Maynila at Lungsod Quezon. Papasok naman ito sa San Juan at dadaan malapit sa mga hangganan nito. Kalaunan, papasok ito sa New Manila, Lungsod Quezon, malapit sa Broadway Centrum, ang kinalalagyan ng mga istudyong pantelebisyon ng Eat Bulaga!, isang tanyag na palabas ng GMA-7. Babagtas naman nito ang Abenida Gilmore, Kalye Balete, at Abenida Eulogio Rodriguez Sr. bago makarating sa EDSA.
Paglampas ng EDSA, dadaan ito sa paligid ng Sentrong Araneta sa Cubao. Tutuloy ito pasilangan pagdaan nito sa mga barangay ng Silangan, Quirino 3-A at Duyan-duyan. Nagtatapos ito sa sangandaan nito sa Abenida Katipunan malapit sa hangganan ng Lungsod Quezon at Marikina. Tutuloy ang Bulebar Aurora patungong lalawigan ng Rizal sa silangan bilang Lansangang Marikina–Infanta (o Lansangang Marcos).
Pampublikong transportasyon
baguhinPinagsisilbihan ang Bulebar Aurora ng mga dyipni na karamihan ay dumadaan sa mga ruta mula Maynila papuntang Cubao. Dumadaan sa ibabaw (at sa ibaba malapit sa Abenida Katipunan) ang Linya 2 na may pitong estasyon sa bulebar: J. Ruiz, Gilmore, Betty Go-Belmonte, Araneta Center-Cubao, Anonas at Katipunan.
Mga sangandaan
baguhin
Lalawigan | Lungsod/Bayan | km[3] | mi | Mga paroroonan | Mga nota |
---|---|---|---|---|---|
Lungsod Quezon | N130 (Abenida Gregorio Araneta) | Sangandaang ilaw-trapiko. Nagpapatuloy sa kanluran papuntang Santa Mesa bilang Bulebar Magsaysay | |||
Hangganang Lungsod Quezon–San Juan | Tulay ng Lambingan sa ibabaw ng Ilog San Juan | ||||
San Juan | Kalye H. Lozada | Sangandaang ilaw-trapiko. | |||
Kalye Juan Ruiz | Sangandaang walang ilaw-trapiko. | ||||
Kalye F. Santos | Pasilangan lamang | ||||
Hangganan ng San Juan–Lungsod Quezon | Tulay ng Ermitaño sa ibabaw ng Sapang Ermitaño | ||||
Lungsod Quezon | Abenida Broadway / Kalye Valencia | Sangandaang ilaw-trapiko. Nagbibigay-daan papuntang Broadway Centrum. | |||
N184 (Abenida Gilmore) | Sangandaang ilaw-trapiko. Nagbibigay-daan papuntang Greenhills Shopping Center at St. Paul University. | ||||
Kalye Doña Hemady | Sangandaang ilaw-trapiko. | ||||
Robinsons Magnolia Access Road | Pasilangan lamang. Nagbibigay-daan papuntang Robinsons Magnolia. | ||||
Kalye Balete | Sangandaang ilaw-trapiko. | ||||
Kalye Seattle | Sangandaang ilaw-trapiko. | ||||
Kalye Betty Go-Belmonte | Sangandaang walang ilaw-trapiko. | ||||
Kalye Nicanor Domingo | Pasilangan lamang. Sangandaang walang ilaw-trapiko. | ||||
Kanlurang dulo ng Palitan ng Abenida Eulogio Rodriguez Sr. | |||||
Abenida Eulogio Rodriguez Sr. | Walang daan papasok kapag mula sa daang pasilangan. | ||||
Silangang dulo ng Palitan ng Abenida Eulogio Rodriguez Sr. | |||||
N1 (EDSA) | Sangandaang ilaw-trapiko. | ||||
Daang Heneral Santos | Pasilangan lamang. Nagbibigay-daan papuntang Lundayang Araneta. | ||||
Kalye Heneral Araneta / Kalye Annapolis | Sangandaang walang ilaw-trapiko. Nagbibigay-daan papuntang Lundayang Araneta. | ||||
Abenida Heneral Aguinaldo / Kalye Imperial | Sangandaang ilaw-trapiko. Nagbibigay-daan papuntang Lundayang Araneta. | ||||
Kalye Times Square / Kalye Cambridge | Sangandaang ilaw-trapiko. | ||||
Kalye Oxford | Pakanluran lamang. | ||||
Abenida Heneral Romulo / Kalye Yale | Sangandaang ilaw-trapiko. Papuntang Lundayang Araneta ang Abenida Heneral Romulo. | ||||
Kalye Stanford | Pasilangan at pakanlurang daan lamang. Nagbibigay-daan mula sa mga salungat na direksiyon sa pamamagitan ng mga U-turn slot. | ||||
Abenida ika-15 | Sangandaang ilaw-trapiko. | ||||
Abenida ika-20 | Pasilangan lamang. Sangandaang ilaw-trapiko. | ||||
Kalye Ermin Garcia | Pakanluran lamang. | ||||
Kalye Anonas | Pakanluran lamang. Sangandaang ilaw-trapiko. | ||||
Kalye F. Castillo | Pasilangan lamang. Sangandaang ilaw-trapiko. | ||||
Kalye Supa / Kalye J.P. Rizal | Sangandaang ilaw-trapiko. Walang mga ilaw-trapiko papunta at mula Kalye Supa. | ||||
Kalye Emerald | Pasilangan lamang. Nagbibigay-daan papasok ng Villa Aurora. | ||||
N11 (Abenida Katipunan / Daang C-5) | Sangandaang ilaw-trapiko. Nagpapatuloy pasilangan sa Antipolo bilang Lansangang Marikina–Infanta | ||||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
|
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "The Magnolia Heritage". Official website, Magnolia Ice Cream. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Official website - Robinsons Magnolia". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "North Manila". 2016 DPWH data. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 13, 2017. Nakuha noong Agosto 13, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)