Barack Obama
Si Barack Hussein Obama II (ipinanganak 4 Agosto 1961) ay ang ika-44 na Pangulo ng Estados Unidos. Kasapi siya ng Partidong Demokratiko at naging Senador ng Estados Unidos para sa Illinois. Isa siya sa mga naging kandidato para sa pagkapangulo ng Amerika kung saan kalaban niya si John McCain ng Partidong Republikano. Noong 4 Nobyembre 2008, nahalal si Obama bilang ika-44 na Pangulo ng Estados Unidos, at siya ang naging kauna-unahang Aprikanong-Amerikanong nahalal sa ganitong tungkulin. Nahalal noong 2012 si Obama pa rin bilang Pangulo kung saan nakalaban niya uli si Mitt Romney, dating gobernador na Masschusetts ng Partidong Republikano.[1][2]
Pormal na nagsimula ang kanyang panunungkulan noong tanghali ng 20 Enero 2009 (oras sa Amerika) sa isang inauguration ceremony na ginanap sa Washington DC. Ang punong hukom na si John Roberts ang nangasiwa sa kanyang panunumpa. Subalit sa panunumpa ni Obama, nagkamali si Roberts ng pagsasaayos ng mga salita ng dapat sasabihin, na siyang inulit din ni Obama. Nakalagay mismo sa saligang batas ng Estados Unidos ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga salita sa panunumpa. 21 Enero 2013 (oras ng Amerika) ikalawang ceremony na ginanap naman sa Washington DC. Ang punong hukom na si John Roberts ikawalang nangasiwa Subalit na panumnumpa ni Obama Hindi nagkamali si Roberts maayos na salita munit si Obama ay tumigil pwede nakasalita si Roberts
Talambuhay
baguhinNagtapos si Obama mula sa Pamantasan ng Columbia at sa Paaralan ng Batas ng Harvard, kung saan naglingkod siya bilang pangulo ng Harvard Law Review. Nagtrabaho si Obama bilang tagapangasiwang pampamayanan at naglingkod bilang isang manananggol na pangkarapatang sibil bago magsilbi ng tatlong ulit sa Estado ng Illinois mula 1997 hanggang 2004. Nagturo siya ng batas na makakakonstitusyon sa Paaralan ng Batas ng Pamantasan ng Chicago mula 1992 hanggang 2004. Kasunod ng isang hindi matagumpay na hangaring makaupo sa Kabahayan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 2000, inihayag niya ang kaniyang pangangampanya para sa Senado ng Estados Unidos noong Enero 2003. Matapos ang paunang tagumpay (sa primarya) noong Marso 2004, nagbigay siya ng talumpati sa Kumbensiyon o Pambansang Pagpupulong ng Partidong Demokratiko noong Hulyo 2004. Nahalal siya sa Senado noong Nobyembre 2004 na tumanggap ng 70 bahagdang mga boto.
Bilang kasapi ng mga Demokratikong minoridad sa ika-109 Kongreso ng Estados Unidos, tumulong siya sa paglikha ng lehislasyon sa pagkontrol ng mga sandatang kumbensiyonal o pangkaraniwan at sa pagtataguyod ng mas malawak na responsibilidad ng lipunan sa paggamit ng mga pondong pederal. Nagsagawa rin siya ng mga opisyal na paglalakbay sa Katimugang Europa, Gitnang Silangan, at Aprika. Sa kapanahunan ng ika-110 Kongreso ng Estados Unidos, tumulong siya sa paglikha ng batas hinggil sa pagla-lobby, mga katiwalian sa halalan, pagbabago ng klima ng daigdig, terorismong nukleyar, at pangangalaga ng mga nakabalik nang mga tauhan ng militar ng Estados Unidos. Ipinahayag ni Obama ang kaniyang pangangampanya sa pagkapangulo ng Estados Unidos noong Pebrero 2007, at opisyal na nanomina bilang kinatawan para maging pangulo, sa Pambansang Pagpupulong ng mga Demokratiko noong 2008, na kasama ang senador ng Delaware na si Joe Biden bilang tumatakbong kandidato para sa pagkapangalawang pangulo ng Estados Unidos..
Mga sanggunian
baguhin- ↑ ABC News projects that Barack Obama will be the next president of the United States, ABCNews.go.com
- ↑ Goldman, Russell. Obama Beats McCain to Become First Black President, Obama to Become First Black President, ABCNews.go.com, 4 Nobyembre 2008