Bahaghari

salita
(Idinirekta mula sa Bahag-hari)

Ang kahulugan ng bahaghari ay bahag at hari.
Ang mga bahaghari, bahagsubay o balangaw[1] (Latin: Arcus, Aleman: Regenbogen, Pranses: Arc-en-ciel, Ingles: Rainbow, Kastila: Arco iris) ay mga pulutong ng kulay na nasa anyo ng kalahati o buong bilog. Makikita ang penomeno o likas na kaganapang ito pagkatapos ng pag-ulan, mula sa singaw ng pandilig na may pangwisik, o kaya mula sa singaw-ulap ng isang umaagos na talon. Nabubuo ang bahaghari mula sa sinag ng araw at mga mahalumigmig na ambon sa hangin.[2]

Ang bahaghari sa kalikasan.
Guhit-larawan ng isang bahaghari.
Bahaghari sa ibabaw ng isang disko kompakto.
Noah's Thanksoffering (Alay-pasasalamat ni Noe, c.1803) na ginuhit ni Joseph Anton Koch. Nagtayo ng isang dambanang para sa Panginoon si Noe matapos maligtas mula sa Malaking Baha; ipinadala ng Diyos ang bahaghari bilang tanda ng kaniyang tipan. (Genesis 8-9).

Sa mitolohiya

baguhin

Ayon sa Epiko ni Gilgamesh na mas naunang isinulat sa Bibliya, si Ut-Napishtim na ay inutusan ng diyos na si Ea na gumawa ng arko upang iligtas ang kanyang pamilya at mga hayop sa isang delubyo(baha) na ipapadala ng dios na si Enlil dahil sa kanyang galit sa sangkatauhan. Pagkatapos ng pitong araw nang tumila ang baha, si Ut-Napishtim ay nagpalipad ng kalapati at uwak upang tingnan kung wala nang tubig. Nang matuyo ang baha, ang arko ni Ut-Napishtim ay lumapag sa Bundok Nisir(kasalukuyang tinatawag na Pir Magrun sa Iraq). Si Ut-Napishtim ay naghandog naman ng tupa at naamoy ng mga diyos ang mabangong samyo nito. Si Ishtar ay dumating at itinaas ang kanyang kwintas ng mga dakilang hiyas(bahaghari) bilang pag-ala ala sa dakilang baha.[3]

Sa Bibliya, sinasabi na ang bahaghari ang tanda ng tipan sa pagitan ng Diyos at ng Paglalang; at maging ng pangako ng Diyos kay Noe[4] na hindi na niya muling lilinisin ang daigdig sa pamamagitan ng ulan na pinagbuhatan ng malaking baha.(Genesis 9: 13-15[4][5]):

"Ilalagay ko ang aking bahaghari sa mga alapaap at iyan ang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa. Kapag tinipon ko ang mga alapaap sa ibabaw ng lupa, at lumitaw ang aking bahaghari sa mga alapaap, aalalahanin ko ang tipang nasa akin at sa inyo at sa lahat ng kinapal na may buhay."

Maihahambing din ang hugis pakurbang paibaba sa magkabilang dulo ng bahaghari sa isang busog na katambal ng pana. Katulad ng isang busog o pantira ng palaso ng Diyos ang bahaghari na tumuturong papalayo mula sa daigdig at sa kanyang mga tao. Tila parang "isinabit" o pinagpahinga na ng Diyos ang kanyang busog upang hindi na muling tumuro pa, para magpakawala ng mga pana, sa isang dating makasalanang mundo ng tao.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Bahaghari, bahagsubay, balangaw, rainbow". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 118.
  2. "Rainbow". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. (The Epic of Gilgamesh, Tablet Eleven) Then Ishtar arrived. She lifted up the necklace of great jewels that her father, Anu, had created to please her and said, "Heavenly gods, as surely as this jewelled necklace hangs upon my neck, I will never forget these days of the great flood. Let all of the gods except Enlil come to the offering. Enlil may not come, for without reason he brought forth the flood that destroyed my people."
  4. 4.0 4.1 Abriol, Jose C. (2000). ""Pinagpala ng Diyos si Noe": ginamit dito ang "Noe", hindi ang baybay na "Noah"; at ang sipi mula sa Genesis 9: 13-15 ay talagang nakalimbag sa wikang Tagalog, hindi ito salin mula sa wikang Ingles". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 21.
  5. Holy Bible: New Revised Standard Version. Reference Edition (with Old and New Testaments) / Banal na Bibliya: Bago't Binagong Pampamantayang Labas. Edisyong Pang-sanggunian (may Luma at Bagong Tipan) (1990). Grand Rapids, Michigan: Zondervan Bible Publishers.
  6. "Genesis 9:13, Why did God use a rainbow as a sign of the covenant with Noah?". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 4.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.