Baʿal

(Idinirekta mula sa Baal)

Si Baʿal (Hebreo בעל na karaniwang binabaybay na Baal[1][2]) ay isang pamagat na panghilagang-kanlurang Semitiko at honoripiko na nangangahulugang "panginoon"[3] na ginagamit para sa iba't ibang mga diyos na mga patrong diyos ng mga siyudad sa Levant at Asya menor na kognato sa Silangang Semitiko(Akkadian) Bēlu. Ang sumasamba kay Ba'al ay tinatawag na Baalista. Ang Ba'al ay maaaring tumukoy sa anumang diyos at kahit sa mga opisyal na tao. Sa ilang mga teksto, ito ay ginagamit para kay Hadad na isang diyos ng ulan, kulog, pertilidad at agrikultura at Panginoon ng Langit. Dahil ang mga saserdote o pari lamang ang pinapayagang magsambit ng kanyang pangalang pang-diyos, ang Ba'al ay karaniwang ginagamit. Sa Bibliya, ang Ba'al ay tumutukoy sa anumang bilang ng mga lokal na espirito-diyos sa Israel na sinasamba bilang mga larawang kulto na ang bawat is ay tinatawag na ba'al at itinuturing sa Hebreong Bibliya sa kontekstong ito bilang isang "hindi totoong diyos".

Isang sinaunang lilok na pigura ni Ba'al, na pinetsahan mula 1400 hanggang 1200 BCE na natagpuan sa Ugarit(Ras Shamra), Louvre.

Si Baʿal, na binabaybay din bilang Bel[4] o Ba'al, ay isang huwad na diyos na nabanggit sa Bibliya. Nangangahulugan ang pangalang ito ng "panginoon" o kaya "may-ari".[5] Sa Bibliya, naniwala ang mga mamamayan ng Canaan, tinatawag ding Canaanita,[5] na may kapangyarihan si Baal sa ibabaw ng lupa o mga lupain, mga pananim, at mga hayop.[2] Tinatawag din siyang Baal Berit, isang taguring may ibig sabihing "panginoon ng tipan", ng mga Cananeo sa Sequiem.[4] Ang pagsambay kay Baal ay kinasasangkutan ng rituwal ng prostitusyon at paghahandog ng alay na tao.[5] May iba pang mga diyos sa iba't ibang pook na pinangalanan ding Baal.[5] Nakikilala rin si Baal bilang Rimon.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Baal and the Dragon, Apocrypha, Bible, pahina 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 The Committee on Bible Translation (1984). "Baal". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Serge Lancel, Carthage, a History, p. 194.
  4. 4.0 4.1 Abriol, Jose C. (2000). "Si Bel at ang Dragon, pahina 1345; Baal Berit, paliwanag sa pahina 357". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Kanino Dapat Manalangin?", Ang Bantayan, 1 Oktubre 2010, pahina 4.