Australopithecus africanus
Ang Australopithecus africanus ay isang ekstintong maagang hominid na nabuhay sa pagitan ng ~3.03 at 2.04 milyong taong nakakalipas sa huling Plioseno at maagang Pleistoseno. [2] Ito ay balingkitan tulad ng mas matanda ritong Australopithecus afarensis. Ito ay pinaniwalaang isang direktang ninuno ng mga modernong tao. Sa kabila ng katamtamang mas tulad sa taong mga katangian sa bungo nito na nakikita halimbawa sa mga specimen na Ginang Ples at STS 71, ang ibang mga katangiang mas primitibo nito ay kinabibilangan ng tulad sa bakulaw(na hindi tao) na mga kurbadong daliri para sa pag-akyat sa mga puno. Dahil sa ibang mga mas primitibong katangiang makikita sa Au. africanus, ang ilang mga mananaliksik ay naniniwala na sa halip na ito ay direktang ninuno ng mga modernong hominin ay nag-ebolb ito tungo sa Paranthropus. Ang isang matipunong Paranthropus na nakikitang inapo ng Au. africanus ang Paranthropus robustus.
Australopithecus africanus Temporal na saklaw: Pliocene
| |
---|---|
Natural endocranial cast (485 cm3) (Sts 60), articulated with a fragmentary skull still embedded in breccia (TM 1511) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | †Au. africanus
|
Pangalang binomial | |
†Australopithecus africanus |
Tulad ng Au. afarensis, ang Au. africanus ay katulad nito sa maraming mga katangian na isang bipedal na hominid na nag-aangkin ng mga brasong katamtamang mas malaki kesa sa mga hita nito(na isang katangiang pisikal na makikita rin sa mga chimpanzee). Sa kabila ng mga pagkakatulad sa Au. afarensis, ang mga labing fossil nito ay nagpapakitang ang A. africanus ay mas higit na katulad ng mga modernong tao kesa sa Au. afarensis. Ito ay nag-aangkin ng isang mas tulad sa taong cranium na pumapayag sa isang mas malaking utak at mas humanoid na mga katangiang pangmukha. Ang Au. africaus ay natagpuan lamang sa mga apat na lugar sa katimugang Aprika — Taung (1924), Sterkfontein (1935), Makapansgat (1948) at Gladysvale (1992).[1]
Mga kilalang fossil
baguhinBatang Taung
baguhinAng Batang Taung ang fossil na bungo ng isang batang indibidwal na Australopithecus africanus. Ito ay tinatayang may edad na 2.5 milyong taong gulang. Ito ay natuklasan noong 1924 ng mga nagtitibag para sa Northern Lime Company sa Taung, South Africa. Ito ay inilarawan ni Raymond Dart bilang isang bagong species sa journal na Nature noong 1925 at binigyang pangalan na Australopithecus africanus("katimugang bakulaw ng Aprika").[3] Ito ang unang panahon na ang Australopithecus ay ibinigay sa anumang hominid. Ang foramen magnum nito ay matatagpuan sa ilalim ng bungo na nagpapakitang ito ay naglalakad ng nakatindig. Inangkin ni Dart na ang bungo nito ay isang pagitang species sa pagitan ng mga bakulaw at mga tao ngunit ito ay hindi tinanggap ng pamayanang siyentipiko sa panahong ito dahil sa paniniwalang ang isang malaking kapasidad ng bungo ay dapat mauna sa bipedal na lokomosyon. Pagkatapos lamang ng 20 taon na ito ay tinanggap bilang isang bagong henus at ito ay tunay na kasapi ng Homininae.
Ginang Ples
baguhinAng Ginang Ples ang palayaw ng pinakakumpletong bungo ng isang specimen ng Australopithecus africanus na natagpuan sa Timog Aprika. Ito ay natuklasan nina Robert Broom at John T. Robinson noong 18 Abril 1947. Ang kapasidad ng bungo nito ay mga 485 kubikong sentimetro. Ang fossil na ito ay pinetsahan gamit ang kombinasyon ng paleomagnetismo at mga pamamaraang uranium-lead na may edad na mga 2.05 milyong taong gulang.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Australopithecus africanus". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-06-13. Nakuha noong 2013-07-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Human Ancestors Hall: Tree". Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-11-02. Nakuha noong 2013-07-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ TalkOrigins Archive — Biographies: Raymond Dart