Ang terminong australopithecine ay pangkalahatang tumutukoy sa anumang species sa nauugnay na henera ng Australopithecus at Paranthropus. Ito ay maaaring kabilangan rin ng mga kasapi ng Kenyanthropus,[2] Ardipithecus,[2] at Praeanthropus.[3] Ang terminong ay mula sa dating klasipikasyon bilang mga kasapi ng isang natatanging subpamilya na Australopithecinae.[4] Ang mga ito ay inuuri na ngayon ng ilan sa loob ng subtribong Australopithecina ng tribong Hominini.[5][6] Ang mga kasapi ng Australopithecus ay minsang tinatawag na "mga balingkinitang australopithecine", samantalang ang Paranthropus ay tinatawag na "mga matipunong australopithecine".[7][8]

Australopithecina
Temporal na saklaw: Miocene - Pleistocene 6.1–1.2 Ma
Australopithecus sediba
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Infraklase:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Tribo:
Subtribo:
Australopithecina
Genera
  • Australopithecus
  • Paranthropus
  • Ardipithecus (debated[1])
  • Orrorin (most likely)
  • Sahelanthropus (possibly)

Ang mga australopithecine ay umiral sa panahong Plio-Pleistocene at mga bipedal at katulad sa ngipin ng mga tao ngunit may isang utak na hindi mas malaki sa mga modernong ape na may mas kaunting ensepalisasyon kesa sa henus na Homo. [9] Ang mga tao ay pinaniniwalaang nagmula sa mga ninunong australopithecine samantalang ang henus na Ardipithecus ay isang posibleng ninuno ng mga australopithecine.[8]

Piloheniya

baguhin

Ang piloheniya ng subtribong Australopithecina ayon kay Briggs & Crowther 2008, p. 124.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Stanford 2012.
  2. 2.0 2.1 Wood 2010.
  3. Cela-Conde & Ayala 2003.
  4. Kottak 2004.
  5. Wood & Richmond 2000.
  6. Briggs & Crowther 2008, p. 124.
  7. Mai, Owl & Kersting 2005.
  8. 8.0 8.1 Szpak, P. (2007). "Evolution of the Australopithecines". Tree of Life.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Mai, Owl & Kersting 2005, p. 45.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.