Alemanyang Nazi

ang Alemanya sa panahon ng pambansang sosyalismo mula 1933–1945

Ang Alemanyang Nazi (Aleman: Nazideutschland), kilala rin bilang Ikatlong Reich (Aleman: Drittes Reich) ngunit opisyal na tinawag na Alemang Reich (Aleman: Deutsches Reich), mula 1933 hanggang 1943 at Dakilang Alemang Reich (Aleman: Großdeutsches Reich), mula 26 Hunyo 1943, pasulong ang pangalawang karaniwang ginagamit upang tukuyin ang Alemanya mula 1933 hanggang 1945 nang ito ay isang totalitaryan na diktadurya na pinamunuan ni Adolf Hitler at ng kanyang Partidong Nazi.

Imperyong Aleman
(1933–1943)
Deutsches Reich (Aleman)

Dakilang Imperyong Aleman
(1943–1945)
Großdeutsches Reich (Aleman)
1933–1945
Watawat ng Alemanyang Nazi
Watawat
Salawikain: Ein Volk, Ein Reich, Ein Führer
"Isang Bayan, Isang Imperyo, Isang Pinuno"
Awitin: Das Lied der Deutschen
"Ang Awitin ng mga Aleman"

Horst-Wessel-Lied
"Kanta ng Horst Wessel"
Pinakamalawak na teritoryong sinaklaw ng Alemanyang Nazi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Berlin
52°30′40″N 13°22′47″E / 52.51111°N 13.37972°E / 52.51111; 13.37972
Wikang opisyalAleman
KatawaganAleman
PamahalaanUnitaryong Nazi one-party fascist state under a totalitarian diktadura
Head of state 
• 1933–1934
Paul von Hindenburg[a]
• 1934–1945
Adolf Hitler[b]
• 1945
Karl Dönitz[a]
Chancellor 
• 1933–1945
Adolf Hitler
• 1945
Joseph Goebbels[c]
• 1945
Lutz von Krosigk[d]
LehislaturaReichstag
Reichsrat (dissolved 1934)
PanahonInterwar • World War II
30 January 1933
23 March 1933
15 September 1935
• Anschluss
12 March 1938
1 September 1939
30 April 1945
2 May 1945
• Surrender
8 May 1945
5 June 1945
Lawak
1939[e]633,786 km2 (244,706 mi kuw)
1940[1]823,505 km2 (317,957 mi kuw)
Populasyon
• 1939[2]
79,375,281
• 1940[1]
109,518,183
SalapiReichsmark (ℛℳ)
Pinalitan
Pumalit
Weimar Republic
Federal State
of Austria
East Germany
West Germany
Austria

Nakipagkasundo sila sa Unyong Sobyet na tutulungan nito ang Alemanya kung sakaling makipagdigma sila. Hinati din nila sa dalawa ang Polonya na itinatadhana ng kasunduan. Ngunit nawalan ito ng bisa nang salakayin ng Alemanya ang Unyong Sobyet na tinatawag na Operasyong Barbarossa.

Ang Alemanyang Nazi ay nagsimula ng manalo ang partidong Nazi sa Alemanya at naging Kansilyer ng Alemanya si Adolf Hitler. Nang mamatay si Pangulong Hidenburg, siya ang pumalit bilang pangulo. Bago pa man mamuno si Hitler bilang pangulo, sinakop niya na ang Austria, Tsekoslobakya at iba pang katabing bansa. Nagpasya silang humiwalay sa Liga ng mga Bansa. Noong 23 Agosto 1939, lumagda sila ng kasunduan ng Unyong Sobyet, kabilang dito ang hahatiin nila ang Polonya kung sakaling lulusubin ito ng Alemanya at tutulungan ng Unyong Sobyet ang Alemanya kung sakaling makipagdigma ito. 1 Setyembre 1939 nang salakayin ng Alemanya ang Polonya pakanluran, at sinalakay naman ng Unyong Sobyet ang Polonya pasilangan. Nang tumangging alisin ni Hitler ang kanyang sandatahan sa Polonya, nagpahayag ng pakikidigma ang Pransiya at Britanya. Sa tagsibol ng 1940, nilusob ng pwersa ng Alemanya ang Denmark, Norway, Belgium at Netherlands. Isinunod naman ang Pransiya. Nang matalo ang Pransiya ang mga sundalo ng kapangyarihang Alyado ay ipinalipat sa Dunkirk. Nang bumagsak ang Pransiya, hinati ito sa dalawa. Ang hilagang Pransiya ay sakop ng Alemanya, at ang kolaboreytor ng Alemanya, ang kanlurang Pransiya na mas kilala bilang Vichy France.

Noong Agosto hanggang Oktubre ng 1940, nilusob ng Luftwaffe (hukbong panghimpapawid ng Alemanya) ang mga lungsod ng Inglatera ngunit hindi matalo ang RAF (Royal Air Force) o hukbong panghimpapawid ng Britanya kaya't hindi masakop ng Alemanya ang Britanya. Sa Hlagang Aprika, Ang pwersa ng Italya ay umurong sa Ehipto, kung saan nakaistasyon ang pwersa nito. Natalo sila ngunit napaatras ng pwersa ng Alemanya sa hangganan ng Ehipto. Dahil sa kanyang pagkapanalo, sinalakay nito ang dating kakampi niya, ang Unyong Sobyet, nang ilunsad nito ang Operasyong Barbarossa. Mahigit kilometro na lang ang distansiya nila sa Moscow, ang kapitolyo ng Unyong Sobyet ngunit napaatras sila ng matinding taglamig. Muli silang sumalakay sa isang rehiyon at tinangkang sakupin ang Stalingrad, ngunit hindi masakop ang Stalingrad dahil sa opensiba ng mga Ruso sa ilalim ni Heneral Zhukov, at napaatras nila ang pwersa ng Alemanya. Sa hilagang Aprika ang pagsakop ng Morocco at Algeria ng kapangyarihang Alyado ang nagwakas ng ambisyon ng Alemanya sa Hilagang Aprika. Sa Europa, napaatras muli ng pwersa ng mga Ruso ang pwersa ng Alemanya sa hangganan ng Polonya. Sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower, inilunsad nila ang Operasyong Overlord. Napalaya nila ang Paris at patuloy na umuurong ang pwersa ng mga Ruso patungo sa kanluran. Inilunsad na ng Alemanya ang huling opensiba nila sa kanluran, ang labanan sa Bulge ngunit dahil sa paurong ang mga Ruso sa kanluran, nabigo ito. Habang nasa taguan si Hitler kasama ang asawa niya, si Eva Braun, nagpakamatay siya at naging dahilan ito upang sumuko ang Alemanyang Nazi.

Tingnan din

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 as President
  2. as Führer und Reichskanzler
  3. De jure from 30 April until 1 May.
  4. De jure from 2 May until 23 May.
  5. In 1939, before Germany acquired control of the last two regions which had been in its control before the Versailles Treaty—Alsace-Lorraine, Danzig and the Polish Corridor—its area was 633,786 km2 (244,706 mi kuw). See Statistisches Jahrbuch 2006.

Sanggunian

baguhin
  1. Soldaten-Atlas 1941, p. 8.
  2. 1939 Census.