Si Ahmose I (na minsang isinusulat na Amosis I, "Amenes" at "Aahmes" at nangangahulugang "Ipinanganak ng Buwan") ang paraon at tagapagtatag ng Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto. SIya ay kasapi ng tahanang dugong bughaw na Theban at anak ng paraon na si Seqenenre Tao at kapatid ng huling paraon ng Ikalabingpitong dinastiya ng Ehipto na si Kamose. Sa pamumuno ng kanyang ama o lolo, ang Thebes ay naghimagsik laban sa Hyksos na mga pinuno ng Mababang Ehipto. Nang siya ay pito, ang kanyang ama ay pinatay [5] at siya ay mga sampu nang ang kanyang kapatid na lalake ay namatay sa mga hindi alam na dahil pagkatapos lamang mamuno ng tatlong taon. Si Ahmose I ay naging paraon pagkatapos ng kamatayan ng kanyang kapatid at sa kanyang koronasyon ay nakilala bilang si Neb-Pehty-Re (Ang Panginoon ng Lakas ay si Re).

Tingnan ang Amasis II para sa paraon ng ika-26 na dinastiya ng Ehipto, na ang pangalan ay paminsan-minsan lumilitaw bilang Ahmose II.

Sa kanyang paghahari, kanyang kinumpleto ang pananakop at pagpapatalsik sa Hyksos mula sa rehiyong Delta at pinanumbalik ang pamumunong Theban sa buong Ehipto at muling pinagtibay ang kapangyarihan ng Ehipto sa mga dati nitong teritoryo na Nubia at Canaan.[6] Kanyang muling pinangasiwaan ang bansa at muling binuksan ang mga kwaryo, mga pagminia at mga ruta ng kalakal at nagsimula ng isang malawak na mga proyekto na ang uri ay hindi pa naisagawa simula ng Gitnang Kaharian ng Ehipto. Ang programang ito ay nagwakas sa huling pyramid na itinayo ng mga katutubong pinunong Ehipsiyo. Ang pamumuno ni Ahmose ang naglatag ng mga pundasyon ng Bagong Kaharian ng Ehipto na sa ilalim nito ay ang kapangyarihan ng Ehipto ay umabot sa tugatog nito.

Mga sanggunian

baguhin