Si Ahaz (Padron:Hebrew name 1; Griyego: Ἄχαζ, Ἀχάζ Akhaz; Latin: Achaz)[1] na isang pinaikling anyo ng Jehoahaz("Hinawakan ni Yahweh") ayon sa Bibliya ay isang hari ng Kaharian ng Juda at anak at kahalili ni Jotham. Siya ay 20 taon nang maging hari at naghari ng 16 taon. Siya ay isang masamang hari ayon sa 2 Hari 16:2 at 2 Cronica 28. Ayon kay Thiele, siya ay isang kapwa-pinuno ng kanyang amang si Jotham at naging isang hari mula 732/731 BCE hanggang 716/715 BCE.[2] Ayon kay William F. Albright, siya ay naghari noong 735-715 BCE.

Ahaz
Guhit ni Ahaz ni Guillaume Rouillé's Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553
Kaharian ng Juda
Sinundan Jotham, ama
Sumunod Hezekias, anak
Asawa Abijah

Ayon sa kasaysayan

baguhin

Nang pinalawig ni Ashurnasirpal II ang sakop ng Imperyong Neo-Asirya, pinalawig niya ang mga sakop nito hanggang sa Arva, Byblos, Sidon at Tyre kung saan nagpataw siya ng mga tributo sa mga ito. Dahil sa pananakop ng mga Asiryo, ang mga kaharian sa Palestina, Lebanon at Syria ay bumuo ng isang koalisyon nang ang sumunod na haring si Shalmaneser III ay sumakop sa kanluran. Sa Labanan ng Qarqar, hinarap ni Shalamaneser ang koalisyong ito kung saan ayon sa mga rekord na Asirya ay winasak ng mga Asiryo ang mga ito at nagwagi laban sa mga pinuno ng koalisyong ito na binubuo ng 12 hari kabilang ang mga hukbo ng Kaharian ng Israel (Samaria) ng haring si Ahab.

Kuwento ayon sa Bibliya

baguhin

Laban sa pananakop ng mga Asiryo, ang magkaaway na mga kahariang ng Syria at Kaharian ng Israel (Samaria) ay bumuo ng alyansa(2 Hari) 22:1). Bago nito, humingi ng tulong si Ahab sa hari ng Kaharian ng Juda na si Jehoshaphat laban sa Syria(2 Kronika 18:3). Bagaman namatay si Ahab, ipinagpatuloy ni Jehoshaphat ang pakikipagtulugan sa mga hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) na sina Jehoram at Ahazias. Sa sumunod na siglo, naging basalyo ng mga Asiryo ang mga hari ng Israel at Syria. Ang hari ng Israel na si Menahem ay pumayag na maging basalyo ng Asirya. Si Pekah na pinuno ng hukbo ng Israle sumunggab sa trono ni Pekaiah na anak ni Menahem. Tumanggi si Pekah na maging basalyo ng Asirya at kasama ng Syria ay naghimagsik laban sa Asirya. Gayunpaman, alam nilang ang kanilang koalisyon ay walang kakayahan na talunin ang mga Asiryo at sinikap na bumuo ng koalisyon sa ibang mga bansa. Tanging ang hari ng Kaharian ng Juda na si Ahaz ang tumanggi na sumapi sa koalisyong ito. Dahil dito, sinikap nina Pekah at hari ng Syria na si Rezin na palitan si Ahaz at ilagay ang anak ng isang taong nagngangalang Tabeel(Aklat ni Isaias 7:6). Sinalakay ng dalawa ang Kaharian ng Juda(1 Cronica 28, 2 Hari 16:6). Sa takot ni Ahaz, humingi siya ng tulong sa Asirya(2 Hari 16:7-8) at nagbigay ng tributo dito. Ayon sa 2 Hari 16:9, pinatay ng hari ng Asirya si Rezin. Ito ay salungat sa 2 Cronica 28:20-21 na nagsalaysay na hindi tinulungan ng Asirya si Ahaz. Ang Israel ay naging basalyo ng Asirya. Pinatalsik ni ni Tiglath Pileser si Pekah at ipinalit si Hoshea na pumayag na maging basalyo ng Asirya. Pinatay ni Hoshea si Pekah. Pagkatapos mamatay ni Tiglath Pileser, tumanggi si Hoshea na magbigay ng tributo sa Asirya. Kinulong ng sumunod na haring si Shalmaneser V si Hoshea at kinubkob ang Kaharian ng Israel (Samaria). Ipinagpatuloy ng sumunod na haring si Sargon II ang pagsalakay sa Israel at ipinatapon ang mga mamamayan nito noong ca.722 BCE.

Aklat ni Isaias at ang tanda ng sanggol na Emmanuel

baguhin

Dahil sa takot ni Ahaz kay Pekah at Rezin, hinikayat ni Isaias na manalig si Ahaz kay Yahweh na ililigtas siya mula sa dalawang pinunong ito. Gayunpaman, humingi ng tulong si Ahaz kay Tiglath Pileser at nagbigay ng mga handog dito. Ayon sa Aklat ni Isaias Kapitulo 7:11-16: "Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Diyos; humingi ka maging sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas. Nguni't sinabi ni Ahaz, Hindi ako hihingi, ni tutuksuhin ko man ang Panginoon. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh sambahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Diyos? Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel. Siya'y kakain ng mantekilya at pulot, pagka siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.Sapagka't bago maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, pababayaan ang lupain ng dalawang haring iyong kinayayamutan."

Ayon sa Ebanghelyo ni Mateo, and tanda ng sanggol na Emmaneul ay natupad kay Hesus.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Douay-Rheims Catholic Bible, Isaias (Isaiah) Chapter 7". www.drbo.org.
  2. Edwin R. Thiele (1994-10-01). The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings. Kregel Academic. ISBN 978-0-8254-3825-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)