Papers by Jeisrelyn Abundiente
Ayon sa isang pag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, aabot sa 5.3 milyong kabataang Pilipino ang ... more Ayon sa isang pag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, aabot sa 5.3 milyong kabataang Pilipino ang umiinom ng alak. Ito'y sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa batas ng pagbebenta ng alak at anumang nakalalasing na inumin sa mga menor de edad. Subalit para sa isang bansang tila na parte na ng halos lahat ng okasyon ang pakikihalubilo sa pamamagitan ng pag-inom at pagtoma, may ilan na tila nasosobrahan. May magagawa pa ba para makaiwas sa pagkalulong dito ang ilan nating mga kababayan? Tinutukan ni Jay Sabale ang iba't ibang isyu't usapin tungkol sa alak. Ganito ang sabi ng isang artikulo sa magasing Discover: " Ipinahihiwatig ng bagong pananaliksik na nasa panganib ang mga kabataang manginginom. " Bakit? " Ang mga tin-edyer na malakas uminom ay nagdudulot ng malaking pinsala sa kanilang kakayahang mag-isip. May kaugnayan din ang labis na pag-inom sa pagdami ng tagihawat, maagang pagkulubot ng balat, pagtaba, at pagkalulong sa alak o droga. Puwede rin nitong mapinsala ang nervous system, atay, at puso.
Uploads
Papers by Jeisrelyn Abundiente