Edukasyon Sa Pagpapakatao

Descargar como pdf o txt
Descargar como pdf o txt
Está en la página 1de 15

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan - Modyul 1:
Paggalang sa Dignidad at Seksuwalidad
(Una at Ikalawang Linggo)
MODYUL 1: Paggalang sa Dignidad at Seksuwalidad

Alamin

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatoto

❖ Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang


sa dignidad at sekswalidad. EsP10PI-Iva-13.1

❖ Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang at


sekswalidad. EsP10PI-Iva-13.2

Subukin
[[[

Paunang Pagtataya (Pre-Test)

Pagpipili-pili (Multiple Choice)


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang tamang
sagot sa inihandang papel. Titik lamang ang isulat para sa iyong kasagutan.
1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa.
a. Pang-aabusong seksuwal
b. Pornograpiya
c. pre-marital sex
d. Prostitusyon
2. Ang panseksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon
sa mga layuning...
a. magkaroon ng anak at magkaisa.
b. magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.
c. makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
d. magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan.
3. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?
a. kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
b. kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
c. kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
seksuwalidad.
d. kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang
pakay o kasangkapan.

1
4. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?
a. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa
maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
b. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na
magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya.
c. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nag bunga ang isang
gabing pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng kaniyang boyfriend na si
Ariel.
d. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang
magpaguhit nang nakahubad.
5. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?
a. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng
kasiyahan.
b. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog
at mabuhay.
c. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon
ang gagawa nito.
d. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na
ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa.
6. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi
sa pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na sa edad ng
pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit sila ay may
kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang
maaari na silang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang wala
sila sa wastong gulang at hindi pa nagpapakasal, hindi sila kailanman
magkakaroon ng karapatang makipagtalik. Anong katotohanan ang
ibinubuod ng pahayag na ito?

a. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at


nagbibinata na.
b. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik.
c. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang
makipagtalik.
d. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal
ang maaari lamang na makipagtalik.

2
7. Nag-iisa sa bahay si Arlyn at dumating ang kanyang kasintahang si
Jonel. Pinatuloy niya ito at sila’y nag-usap. Habang tumatagal ay nag-
iba ang tema ng kanilang usapan. Naging agresibo si Jonel at sinimulan
nitong halikan si Arlyn. Sabi pa ni Jonel, “tayo lang naman ang
nandito.” Kung ikaw si Arlyn, ano ang iyong gagawin?
a. Magagalit kay Jonel at ito ay paaalisin sa kanilang bahay.
b. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni
Jonel.
c. Kakausapin si Jonel at sasabihing pananagutan kung anuman
ang mangyayari sa kanila.
d. Kakausapin si Jonel nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano
ang tama.

Para sa Bilang 8-10, suriin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung


nararapat o hindi ang pagpapasyang ginawa ng mga tauhan sa kuwento.
Isulat ang N kung ito ay nararapat at HN hindi kung nararapat. Ipaliwanag
ang iyong sagot.

8. Si Wilson ay nakatira sa kanyang nanay at amain. Isang araw, pumasok


ang kanyang amain sa kuwarto niya at nagpakita ng mga malalaswang
litrato. Hindi mapakali si Wilson at hindi niya alam ang kanyang sasabihin.
Sabi ng kanyang amain, “Halika rito, anong klaseng lalaki ka?” Kinuha ni
Wilson ang babasahin at ito’y kanyang tiningnan at nagustuhan naman niya
ito.

9. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na naka-


bikini. Sinabi sa kanyang maaari itong ipagbili sa isang kompanya ng
pagmomodelo at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Mela at
sinabing ang katawan niya ay hindi kailanman maaaring i-display.

10 . Si Aileen ay 15 taong gulang at miyembro ng mahirap na pamilya.


Wala na siyang interes namag-aral mula ng paulit-ulit siyang
pagsamantalahan ng kanyang amain. Nakilala niya si Merly at niyaya
siya nitong mamuhay sa lansangan at magbenta ng aliw. Sumama siya
rito at nagsabing lubog na rin naman siya sa putik kung kaya’t marapat
lang na ito ang kanyang gawin at kikita pa siya.

3
Panimulang Aral
“Kung mahal mo ako, sumama ka sa akin ngayon at patunayan mo ito”

● Pamilyar ka ba sa mga katagang ito?


● Nasabi mo na ba ito o kaya’y sinabi na ito sa iyo?
Ano ang nasa isip mo nang sabihin mo ito?
● Ano ang naisip mo nang ito’y sabihin sa iyo?

Halika at ating matuklasan at mapalalim ang iyong pag-unawa sa


kahalagahan ng seksuwalidad sa buhay.

(Unang Linggo)

Tuklasin at Suriin

Ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na


babae o lalaki. Ang seksuwalidad samakatuwid ay isang malayang pagpili at
personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang katawan
at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.
Isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang seksuwalidad
upang maging ganap ang pagiging pagkababae o pagkalalaki.
Ayon sa isang survey na ikinomisyon ng National Secretariat for
Youth Apostolate (NSYA), ang kabataang Filipino ngayon ay patuloy na
nakikibaka sa mga isyung may kinalaman sa seks at seksuwalidad.
Kabilang sa mga ito ay pakikipagtalik nang hindi kasal (pre-marital sex),
pornograpiya, pang-aabusong seksuwal, at prostitusyon. Isa-isahin
nating tingnan ang mga isyung ito, ang mga dahilan kung bakit nangyayari
ang mga ito at mga nagtutunggaliang pananaw kung tama o mali ang mga
ito.
Pagtatalik bago ang Kasal (Pre-marital sex)
Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa
wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.
● Hanggang wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng
sakramento ng kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng
karapatang makipagtalik.

4
May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo
na ang kabataan ay pumapasok sa maagang pakikikapagtalik.

1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging


malusog siya at matugunan ang pangangailangan ng katawan.
Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang kaganapan ng
kaniyang buhay.
2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang
pakikipagtalik lalo na kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon.
Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito.
3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan
silang makaranas ng kasiyahan.
4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
● Ang paggamit ng ating mga kakayahang seksuwal ay mabuti
ngunit maaari lamang gawin ang pakikipagtalik ng mga taong
pinagbuklod ng kasal.
● Ayon kay Sta. Teresita, “Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay
ng di nagtatantiya ng halaga at hindi naghihintay ng kapalit.”

Pornograpiya

Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego,


“porne”, na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng
panandaliang aliw, at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan. Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga mahahalay na
paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang
seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
● Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-ibang asal. Ang mga
seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda
at mabuti, ay nagiging makamundo at mapagnasa
● Ayon kay Immanuel Kant isang (Aleman na pilosopo na isang sentral
na figure sa modernong pilosopiya) nauuwi sa kawalangdangal o
nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa.
● Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa sekswal na
pangangailangan at pagkahumaling, lahat ng mabuting layunin sa
pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na matupad.
Isang pananaw tungkol sa pornograpiya na lumalaganap ngayon ay ang
pagtingin dito bilang isang sining.

● Isang halimbawa nito ay ang estatwa ng “oblation” na nasa bungad


ng Pamantasan ng Pilipinas sa Diliman. Ang estatwang hubad ay
sumisimbolo sa ganap na pag-aalay ng sarili sa Diyos, hindi

5
nagsasaalang-alang sa anupamang mga bagay at kahubarang
nagnanais na mabihisan ng kaalaman.

Mga Pang-aabusong Seksuwal

Walang pangkalahatang pagpapakahulugan ang maaaring ibigay sa


pang-aabusong seksuwal.
● Nangingibabaw na posisyon ay ang pang-aabuso ay isinasagawa ng
isang nakatatanda na siyang pumupuwersa sa isang nakababata
upang gawin ang isang gawaing seksuwal.
● Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang
bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang
bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual harassment.
● Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na
gumagawa ng seksuwal na gawain at pagkakaroon ng kaligayahang
seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad na katawan,
seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na isinasagawa
ng iba.
● Hindi nito ipinapahayag ang tunay na mithiin ng seksuwalidad.
● Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay
ang mga bata o kabataang may mahihinang kalooban, madaling
madala, at may kapusukan.

Prostitusyon

Ang prostitusyon na sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o


gawain ay ang pagbibigay ng panandaliang aliw kapalit ng pera. Dito,
binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng
kasiyahang seksuwal.
● Ang pagbebenta ng sarili ng isang prostitute ay maihahalintulad sa
isang manunulat na ibenebenta ang kaniyang isip sa pamamagitan ng
pagsusulat.
● Sinasamantala ng mga taong “bumibili” ang kahinaan ng babae o
lalaking sangkot dito.
● Sa prostitusyon, naaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na
seksuwalidad.

Pagbubuo

Sa malalim na pagtingin, ano ang epekto ng mga isyung nabanggit sa


pagkatao ng tao o sa dignidad ng tao?

6
● Ang pagpayag, pagsasagawa, at pagiging kaugnay sa mga isyung
panseksuwalidad ay nagsasawalangbahala sa sumusunod na
katotohanan:
1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sariling
kaganapan, at ang pagtungo sa kaganapang ito ay malaya at may
kamalayan.
2. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa (porma) at katawan (materyal)
na kumikilos na magkatugma tungo sa isang telos o layunin.
3. Upang marating ang kaniyang telos o layunin, kailangang gamitin ng
tao ang kaniyang isip at kilos-loob na siyang magpapasiya kung ang
kilos at pamamaraan ay mabuti o masama.
● Ang mga seksuwal na faculdad o kakayahan ng tao ay tumutukoy sa
dalawang layuning maaari lamang gawin ng isang babae at lalaki na
pinagbuklod ng kasal o pag-iisang dibdib – ang magkaroon ng anak
(procreative) at mapag-isa (unitive).

Suriin
Panuto: Tingnan ang mga larawang nagpapamalas ng mga isyung kaugnay
ng seksuwalidad.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa isang


sagutang papel.

1. Ano ang iyong naging damdamin mula sa mga mga larawang nakita?
Bakit?

2. Anong mahalagang katotohanan ang naiparating sa iyo ng mga larawan?

7
Isaisip

Pag-isipan mo…
Ang dignidad ng tao ang nag-aangat at nagpapatunay na
natatangi siyang nilalang. Isa sa utos ng Diyos sa tao, ay sinabi
niyang “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa
iyong sarili.” Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay
ng lahat ng tao. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang
wangis. Ibig sabihin, ayon sa Kaniyang anyo, katangian at
kakayahan. Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos;
kaya’t ito ay likas sa tao.
Paggalang sa Seksuwalidad (respect for human sexuality) -
ang pagiging mabuting babae at mabuting lalaki ay sukatan ng
mabuting pagkatao. Walang kahihinatnan ang dunong at yaman
kung walang paggalang sa iyong sekswalidad at sekswalidad ng iba.
Ang pagiging marangal ng tao ay nababatay kung paano ka kumilos
ayon sa iyong kasarian.
Panuto: Gawin ang mga hinihingi. Isulat sa isang buong papel.

Panuto: Gawin ang mga hinihingi. Isulat sa isang buong papel.

A. Itala sa bawat kahon ang mga isyu kaugnay ng seksuwalidad at ibigay


ang kahulugan nito. Sundin ang pormat sa ibaba

ISYUNG
B. KAUGNAY NG
C.
SEKSUWALIDAD

D.

8
B. Sumulat ng tig-isang halimbawa ng mga paglabag sa dignidad at
seksuwalidad ng tao at sasagutin ang mga tanong nasa ibaba. Isulat
sa isang buong papel.

ISYU NG SEKSUWALIDAD MGA PAGLABAG SA DIGNIDAD AT SEKSUWALIDAD

1.

Pagtatalik bago ang kasal


(pre-marital sex)

1.

Prostitusyon

1.

Pornograpiya

1.

Pang-abusong seksuwal

Sagutin ang sumusunod na pamprosesong tanong:

1. Paano mo nalaman ang mga paglabag sa dignidad at seksuwalidad ng


tao?
2. Ano ang iyong nagiging damdamin sa tuwing napapanood, naririnig o
nakikita ang mga paglabag na ito? Bakit?
3. Bakit kailangang pahalagahan ang dignidad at seksuwalidad ng tao?

9
Isagawa
(Ikalawang Linggo)

Gawin ito...

Natukoy mo na ang mga isyung kaugnay ng seksuwalidad. Ngayon


naman ay ibahagi mo ang mga paraan upang maiangat at mapaunlad ang
paggalang sa iyong seksuwalidad at seksuwalidad ng iba.

Gawain 1
Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay na naglalahad kung paano
maiaangat at mapapaunlad ang paggalang sa iyong seksuwalidad at
seksuwalidad ng iba. Isulat ito sa isang buong papel.

Seksuwalidad KO, Seksuwalidad MO, Igagalang KO

_______________________

10
Gawain 2

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag, kung ikaw ay sang-ayon


o hindi sa mga pahayag na nabanggit batay sa konseptong napapaloob sa
aralin. Magbigay ng dahilan o paliwanag kung bakit sang-ayon o hindi sang-
ayon sa pahayag.

Sang-ayon o Paliwanag o
Pahayag Hindi Sang-ayon Dahilan

1. Ang pakikipagtalik ay normal para


sa kabataang nagmamahalan.
2. Ang pagtatalik ng magkasintahan
ay kailangan upang makaranas ng
kasiyahan.
3. Tama lang na maghubad kung ito
ay para sa sining.
4. Ang pagtingin sa mga malalaswang
babasahin o larawan ay walang
epekto sa ikabubuti at ikasasama ng
tao.
5. Ang tao na nagiging kasangkapan
ng pornograpiya ay nagiging isang
bagay na may mababang
pagpapahalaga.
6. Ang pang-aabusong seksuwal ay
taliwas sa tunay na esensiya ng
seksuwalidad.
7. Ang paggamit ng ating katawan
para sa seksuwal na gawain ay
mabuti ngunit maaari lamang gawin
ng mga taong pinagbuklod ng kasal.
8. Ang pagbebenta ng sarili ay tama
kung may mabigat na
pangangailangan sa pera.
9. Ang pagkalulong sa prostitusyon
ay nakaaapekto sa dignidad ng tao.
10. Wala namang nawawala sa isang
babae na nagpapakita ng kanyang
hubad na sarili sa internet. Nakikita
lang naman ito at hindi
nahahawakan.

11
Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Tama kaya ang naging kasagutan mo? Pangatuwiranan.

2. Ano ang naging batayan mo sa pagsang-ayon o hindi sa mga pahayag na


nabanggit?

Gawain 3

Panuto: Humanap ng larawang maaaring maiugnay sa mga isyung tungkol


sa seksuwalidad. Lagyan ito ng naangkop na prinsipyo o quotations. Gawin
ito sa isang buong short size bondpaper. Isusumite ito sa iyong class
adviser.

12
Tayahin (Post Test)

A. Pagpipili-pili (Multiple Choice)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang tamang
sagot sa inihandang papel. Titik lamang ang isulat para sa iyong kasagutan.

1. Ano ang ibig sabihin ng “graphos”?


a. magkaroon ng anak
b. pasulat o paglalarawan
c. masama sa pornograpiya
d. pinakamatandang propesyon
2. Ito ang pinakamatandang propesyon.
a. pornograpiya
b. prostitusyon
c. seksuwalidad
d. pang- aabusong seksuwal
3. Ito ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki ng isang
tao.
a. pornograpiya
b. prostitusyon
c. seksuwalidad
d. pang- aabusong seksuwal

4. Mahahalay na paglalarawan na may layuning pukawin ang seksuwal na


pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
a. pakikipagtalik
b. pornograpiya
c. prostitusyon
d. seksuwalidad
5. Sumisimbolo sa ganap na pag-aalay ng sarili sa Diyos, hindi
nagsasaalang-alang sa anupamang mga bagay at kahubarang nagnanais na
mabihisan ng kaalaman.
a. estatwang hubad
b. pakikipagtalik
c. seksuwalidad
d. sexual harassment

13
B. Tama o Mali

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung ito ay
hindi.

1. Ang komitment at dedikasyon ay epekto ng pre-marital sex.


2. Ang pagkalulong sa prostitusyon ay walang bahid na kasamaan.
3. Hindi masama ang pornograpiya kung nasa tamang edad ang isang tao.
4. Ang dignidad ng tao ang nag-aangat at nagpapatunay na natatangi
siyang nilalang.
5. Walang kahihinatnan ang dunong at yaman kung walang paggalang sa
iyong sekswalidad at sekswalidad ng iba.

Susi sa Pagwawasto

TUKLASIN AT SURIIN:

❖ Tanggapin ang magkakaibang sagot

ISAISIP:

❖ Tanggapin ang magkakaibang sagot

ISAGAWA:
❖ Gawain 1 Tanggapin ang magkakaibang sagot

❖ Gawain 2 Tanggapin ang magkakaibang sagot

❖ Gawain 3 Tanggapin ang magkakaibang sagot

Mga Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul
EASE EP IV, Modyul 6
Link mula sa internet:
https://www.depedk12.com/2019/07/grade-7-10-edukasyon-sa-pagpapakatao.html
(https://drive.google.com/drive/folders/1Wpf-xe68hf30xC7n0Ln_EKGaW94K6jah)

Larawan mula sa internet:


https://www.internetmatters.org/resources/protecting-children-from-online-pornography/
https://www.pinclipart.com/pindetail/ibiwbbi_an-anti-prostitution-logo-prostitution-clipart-png-
download/
https://www.dreamstime.com/illustration/sexual-abuse.html
https://www.change.org/p/filipino-teenagers-no-to-premarital-sex

14

También podría gustarte